Advertisers
AABOT na ngayon sa ikalawang linggo ang “bangayan” ng mga opisyal ng China at Pilipinas dahil sa pambabastos ni PCG Spox, Commodore Jay Tarriela, kay Chinese President Xi Jinping sa isang forum sa Dela Salle University noong Enero 14.
Naging mas maingay ang diskusyon nang “sumawsaw” ang mga “Dilawan” katulad nitong si Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros na pareho ring “bata” ng Kano pero “abno” pagdating sa diplomasya, katulad ni Tarriela.
“Ginatungan” pa ng Palasyo ang problema ng sabihin ni Ante Kler, err, Atty. Claire Castro ngayong linggo na “suportado” ni PBBM ang mga pag-atake ni Tarriela sa pangulo ng China.
Kaya kung si PBBM naman ang gawing katatawanan ng isa ring “kamote” ng Chinese Coastguard, eh, siguro naman hindi na dapat umangal ang ating gobyerno.
May “pahaging” naman si Chinese Embassy Spokesman Ji Linpeng sa kanyang ‘social media post’ kahapon.
Aniya, kung pababayaan lang ni PBBM ang mga katulad ni Tarriela at mga Dilawan na malayang bastusin ang kanilang lider at busalan silang magprotesta at mapagliwanag, para saan pa ang kanilang embahada dito?
Uulitin natin: Hindi kailangan ng China ang Pinas at mga produkto nito. Kabaligtaran, ‘Pinas ang “nakasandal” sa China. Malinaw yan.
Paano kung isara nga ng China ang embahada nila dito at kasabay nito, pauwiin na ang halos 300,000 Pinoy sa mainland, Hongkong at Macau? Paano rin kung biglaan, “sarado” na ang merkado ng China sa ating mga produkto at taasan naman ang presyo ng ating mga import mula sa China?
Nakita natin ang “resbak” ng China sa mga panggigipit ng Amerika at mga tuta nitong bansa katulad ng Canada, Australia at EU. Ngayon, lahat sila, gusto ulit maging “kaibigan” ang China.
Heto pa. Mapapalitan ba ng kahambugan ni Tarriela at pagiging kunsintidor ni PBBM sa mga katulad niya ang siguradong pagbagsak ng ating ekonomiya at malawakang kawalan ng trabaho?
Sa madaling salita, talaga bang “kaya” natin ang “resbak” ng China?
Hindi ang pagpipilit sa baluktot na argumento (‘atin ang West Philippine Sea’) ang sukatan ng pagiging “makabayan” o ang pagiging “tunay” na lider.
Ang tunay na batayan ay kung paano tayo hahanguin sa kahirapan at kung paano palalakasin angg ‘Pinas para totoong makatayo tayo sa sarili nating mga paa.