Advertisers

Advertisers

Andrea Brillantes nagpa-blonde hair para sa mas matured roles, 2 weeks kapiling si Enrique Gil

0 21

Advertisers

Ni Anne Venancio

LUMIPAD na sina Enrique Gil at Andrea Brillantes noong Enero 25 patungong Prague, Czech Republic para kunan ang karamihan sa mga eksena ng kanilang bagong TV5 romance drama series na ‘A Secret in Prague,’ na tatagal ng 2 weeks.

Ito ang unang pagtatambal nina Enrique at Andrea, kung saan makakasama nila sa serye sina Kim Domingo at Cedric Juan, sa direksyon ni Barry Gonzales.

Samantala, look stunning naman ang aktres sa kanyang new honey blonde hair.
Caption nga nito sa kanyang IG post: “Someone’s blonde…”

Matatandaang ipinakilala si Andrea bilang 2026 Calendar Girl ng Tanduay. Ayon sa aktres, bahagi ito ng kanyang career shift patungo sa mas mature roles.
***
Ex ni Aiko na si Jay Khonghun, nilantad na ang VM ng Manila ang bagong mahal

Kung masaya na si Councilor Aiko Melendez sa napapabalitang malapit sa kanya ngayon na si Onemig Bondoc, tila naka-move on na rin si Zambales First District Representative Jay Khonghun matapos mapabalitang si Manila Vice Mayor Chi Atienza na ang bago nitong “mahal.”

Matatandaang noong Oktubre 2025 ay inanunsyo ni Aiko ang kanilang hiwalayan matapos ang 8 taon relasyon.
Lumutang ang closeness nina Jay at Chi matapos mag-post sa Instagram ang broadcaster na si Arnold Clavio na ipinakikilala umano ni Khonghun si Atienza bilang bagong ‘mahal’.

Si Chi ay anak ni dating Manila Mayor Lito Atienza at hiwalay na rin sa kanyang asawa na si Vladimir Neil “Von” Valdepeñas kung saan mayroon silang 3 anak.
Matatandaang bago maging public servant, naging miyembro noon si Chi ng Star Circle ng ABS-CBN at naging karelasyon nito noon ang actor-restaurateur na si Marvin Agustin.