Advertisers

Advertisers

Ayon Pa Sa Abogado Nina Rhian At Michelle Na Si Atty. MaggieAbraham-Garduque, Walang Nangyaring Illegal Detention Kay Mr. Baro; Dovie San Andres All-Out Ang Suporta Kay Ellrey Binoe Alexander

0 32

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Laman ng social media, television, tabloid ang magkaibang Rhian Ramos at Michelle Dee at friend beauty queen ng dalawa na si Samantha Panlilio. Papanu raw mangyayari ang alleged illegal detention ni Baro na personal driver at personal assistant ni Rhian e, sa mismong residence o condo ni Rhian siya nakatira. Magkakaroon lang ng ganitong kaso kung dinala ka sa ibang lugar at dito ka ikinulong ng sapilitan. At para sa ikalilinaw ng issue ay narito ang ipinadalang statement ng famous and pretty celebrity lawyer na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, na parehong legal council nina Michelle at Rhian.

“Our clients have not received a copy of the complaint allegedly filed against them before the nbi. They will answer as soon as they received the copy of said complaint.
“As far as our client is concerned there is no incident of illegal detention happened as mr. Baro was a resident of the condo, being the driver of rhian.
“The last incident of our clients with mr baro was when Michelle Dee filed a criminal case for qualified theft against him which he admitted and he even returned some of the items to Michelle.
“Thus, our clients cannot think of any reason for initiating this complaint but a leverage and vindictive suit to said qualified theft case.” Atty. Maggie full statement sent to your columnist yesterday.

***

Sinira ng manloloko at budol na Bading na director, ang pangarap ni Dovie San Andres para sa sarili at mga anak na sina Elrey Binoe at Luke na mapentrate ang showbiz noon. Kung talent kasi ang pag-uusapan ay alam ni Dovie na may ibubuga sila ng kanyang mga anak at isama na rin na artistahin ang dating nilang mag-iina. Well, kung hindi man matupad ni Dovie ang malaking pangarap na maging actress sa pelikula dahil panloloko nga sa kanila ng matamis ang dilang pekeng direktor. Dito kay Elrey Binoe ay malaki ang potential nitong makilalang batang action star. Sa tayo o tindig pa lang nito ay pasado talaga siyang action star. At si Elrey Binoe, lang ang inaantay ng movie actor- director na si Vic Lee Tiro para sa training nito sa stunts at routine na kailangang-kailangan sa matitinding fight scenes sakaling matuloy na ito sa showbiz. At kayang-kaya naman ito ni Elrey Binoe lalo’t physically fit siya. Iba maghasa itong si Direk Vic dahil mahusay siya sa larangan ng action. Mala Bruce Lee nga ang dating nito.

By the way, puring-puri pala ni Dovie ang anak niyang ito na super sweet and caring sa kanya. Ipinagluto pa raw siya kamakailan ng spaghetti ni Elrey Binoe. Actually lahat naman ng tatlong anak na lalaki( Elrey, Duke at Dean) ni Dovie ay Love siya. Ayon pa kay Dovie, ay hilig ring kumanta ni Elrey Binoe at gusto niya itong mag-voice lesson. Plano na rin niyang bilihan ito ng kotse at kapag full payment na at saka niya ito pag-aaralin ng driving sa Driving School sa Canada. Tiyak na ikatutuwa ito nang labis ni Elrey.