Advertisers
TODO kontra ang legal team ni dating Pangulo Rody Duterte sa pagkakapili sa human rights lawyer na si Joel Butuyan bilang abogado ng mga biktima ng war on drugs sa International Criminal Court (ICC).
Giit ng kampo ni Duterte, hindi angkop ang pagtatalaga at nakasisira ito sa tamang proseso ng legal na representasyon.
Ngunit suportado si Butuyan ng mga kamag-anak o kaanak ng mga biktima, itinalaga ito kasama ng iba pang ICC-accredited lawyers, dahilan upang lalo pang ma-highblood si Nicolas Kaufman, ang chief legal ni Digong.
Bago ito, ilang beses tinutulan ni Kaufman ang mga aksyon ng unang chamber ng ICC na magkukumpirma sa charges laban kay Duterte, matapos igiit ng korte na “fit” o kayang tumayo ni Digong sa mga pagdinig.
Iginigiit ni Kaufman na “not physically fit” si Duterte para sa mga pagdinig. Pero ibinasura lamang ng korte ang kanyang “delaying tactics”.
Si Duterte ay mag-isang taon nang nakakulong sa ICC facility sa The Hague, Netherlands, matapos arestuhin sa NAIA noong Marso 2025. Nahaharap siya sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng brutal na war on drugs, na ikinasawi ng maraming “drug suspects” kuno noong hari siya ng Pilipinas.
Sa ginagawang ito ni Kaufman lalo lamang niyang pinatatagal ang kaso ni Digong.
Kung inosente nga si Digong sa mga inaakusa sa kanya, dapat pasimulan na ni Kaufman ang pagdinig sa kaso para makalaya at makabalik na sa Pilipinas ang dating pangulo.
Aba’y bilyones na yata ang natanggap ni Kaufman kay Duterte simula nang hawakan niya ang kaso. ‘Pag inabot ng maraming taon ang kasong ito sa ICC, mauubos ang kayamanan ng dating pangulo sa kanyang abogado. Mismo!
Co-accused ni Duterte sina dating Chief PNP ngayo’y Senador Ronald “Bato” dela Rosa at ilan pang dati at aktibong opisyal ng Philippine National Police.
Si Dela Rosa ay magtatlong buwan naring nagtatago simula nang ianunsyo ni Ombudsman “Boying” Remulla na mayroon na siyang kopya ng ICC warrant laban sa senador.
Inanunsyo rin ng kaalyado ni Dela Rosa na si Atty. Harry Roque na mayroon na ngang ICC arrest warrant laban sa senador. At sinabihan niya itong “huwag pahuhuli”.
Pero ayon naman kay DILG Secretary Jonvic Remulla, utol ni Ombudsman Boying, wala pa silang kopya ng arrest warrant kay Dela Rosa. Kaya hindi pa raw nila ito puwedeng arestuhin. Ehem!!!
Sa kabilang banda, si Roque ay wanted din sa kasong ‘human trafficking’ at ‘fraud’. Sangkot siya sa iligal na POGO sa Pampanga. Kasalukuyan din siyang nagtatago sa ibang bansa. Araguy!!!
Mga abusado kasi ang mga animal na ito nung nasa puwesto sila eh. Karma is real!!!