Advertisers

Advertisers

Michelle Dee at Rhian Ramos kinasuhan ng binugbog na drayber dahil sa ninakaw na sensitive photos

0 51

Advertisers

Ni Anne Venancio

Mabibigat na paratang ng torture at serious illegal detention ang isinumiteng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules, Enero 28, 2026, ni Bonifacio Baro, 40, laban sa magkaibigang aktres na sina Rhian Ramos, 35, at Michelle Dee, 30.

Si Baro ay driver at personal assistant ni Rhian at naninirahan din sa condominium unit ng aktres sa Makati City.

Base sa ulat ng PEP.PH, kuwento ni Baro, 3 araw daw siyang ikinulong at sinaktan simula Enero 17, kaya naman tinangka niyang tapusin ang kanyang buhay noong Enero 18 sa pamamagitan ng pagtalon mula sa 39th floor, pero sumabit umano siya sa kable ng kuryente kaya bumagsak siya sa 25th floor. Bumaba raw siya sa lobby, ngunit hinarang muli ng mga bodyguard at ibinalik sa 39th floor, kung saan pinagtulungan umano siyang bugbugin nina Michelle, Rhian, at ng dating beauty queen na si Samantha Panlilio.

Kasama ni Baro na lumapit sa NBI si Volunteers Against Crimes and Corruption (VACC) president Boy Evangelista.

Ipinakita ni Baro ang mga tinamong pasa at sugat sa kanyang katawan na umano’y dulot ng pananakit. Aniya pa, dumating umano sa puntong pinilit siyang uminom ng sarili niyang ihi. Inisprayan din daw siya ng alcohol sa katawan at sa mata.

Nauna nang nagsampa ng reklamong qualified theft si Dee sa Makati City Prosecutor’s Office, kung saan kinuha umano ni Baro sa kanyang kuwarto ang mga sensitibong larawan, pero ibinasura ito ng piskalya makalipas ang 3 araw kaya nakalaya si Baro noong Enero 22.

Kuwento pa ni Michelle, nagsumbong umano sa kanya ang asawa ni Baro na hawak ng kanyang mister ang ilang “sensitive images” niya.
Itinanggi naman ng legal counsel nina Ramos at Dee ang paratang ng illegal detention. “As far as our client is concerned, there is no incident of illegal detention,” ani Garduque.
Samantala, kamakailan lang ay naging laman ng balita ang ina ni Michelle Dee na si Melanie Marquez, ang Miss International 1979 titleholder, matapos niyang isiwalat sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” ang umano’y pisikal na pang-aabuso na kanyang dinanas mula sa asawa.
Aniya, ilang ulit umano siyang sinuntok at minsan pa’y tinutukan ng baril ng kanyang mister na si Adam Lawyer matapos ang mahigit dalawang dekada nilang pagsasama. Kinumpirma rin niyang nakatakda na siyang magsampa ng divorce.
Ang siste e, mas palaban ang anak na si Michelle, siya ngayon ang nambugbog ng drayber!