Advertisers

Advertisers

Eala talsik sa PH Women’s Open

0 13

Advertisers

PINATALSIK ng fifth seed na si Camila Osorio ng Colombia ang second seed home town favorite na si Alex Eala, sa quarterfinals ng Philippine Women’s Open, 6-4, 6-4, sa Rizal Memorial Tennis Center sa Maynila Huwebes ng gabi.

Nangingibabaw si Eala sa score na 3-2 sa ikalawang set, nguni’t muling nahanap ni Osorio ang kanyang laro, tinapos ang laban sa loob ng isang oras at 29 minuto.

Sayang, sayang, hindi nakapasa (Too bad, too bad. I didn’t make it). It wasn’t for me today and congratulations to Ca-mila,” Wika ni Eala matapos ang kanyang laban sa experienced Colombian, na narrating ang second round ng French Open tatlong beses at US Open dalawang beses.

Lalabanan ni Osorio ang third seed Solana Sierra ng Argentina, na tumalo sa Thailand’s Lanlana Tararudee, 6-3, 6-4.

Samantala, dinaig ni fourth seed Donna Vekic ng Croatia si Lin Zhu ng China, 6-4, 6-3, para itakda ang semifinal showdown sa Tatiana Prozorova,na nagwagi 4-6, 6-2, 6-4 laban kay Sofia Costuolas ng Belgium.

Sa doubles, American top seeds Quinn Gleason at Sabrina Santamaria tinalo sina Yu Yun-li ng Chinese Taipei at Sara Saito ng Japan, 6-3, 6-3, para marating ang final round.

Makakatagpo nila sina second seeds Eudice Chong ng Hong Kong at Liang En-shuo ng Chinese Taipei, na nagwagi laban sa third seeds Cho I-hsuan at Cho Yi-tsen ng Chinese Taipei, 6-3, 6-3, sa semifinal.