Advertisers
Nananawagan si Brod Pete aka Isko Salvador sa mga koponan ng PBA na kalaban ng San Miguel Beer.
Dapat daw hindi intensyunal na saktan si JuneMar Fajardo ng mga nagbabantay sa kanya.
“Napansin ko kasi na sumusobra nanan ang mga guwardiya ni Kraken, eka ng pambansang Alien.
“Sana maisp nila na si Fajardo ay importanteng bahagi ng Gilas kaya kailangan ay pangalagaan natin kanyang kalusugan, “dagdag ni Ka Pete.
Grabe daw bugbog inaabot ng 9x MVP nitong semis kontra sa Barangay Ginebra.
Dami rin daw kalmot kaya buong braso ng sentro ay may armband na.
Buong bansa magdurusa kung magka-injury si abay.
Paboritong game ni Isko ang basketball. Madalas niyang subaybayan ang PBA.
Kapag may time ngayon ay nakikilaro pa siya.
Nabanggit ito ng comedy writer sa ating palantuntunang OKS@DWBL.
Sang-ayon naman sina Tata Selo at Ka Berong sa obserbasyon ng komedyante.
***
Samantala ang kumpareng Jojo Alejar ay labis ang kasiyahan sa panonood ng Philippine Women’s Tennis Open sa Rizal Memorial Complex.
Iba raw ang masaksihan mo ang kababayang si Alex Eala na nagwawagi dito sa sarili nating bayam kalaban ang mga banyaga.
Nag-vlog pa nga siya ng live mula sa makasaysayang palaruan sa unang araw ng kumpetisyon.
” Pare iba ang feeling na nandoon ka mismo sa venue at kasama mo pamilya at mga ibang Pinoy na tsini-cheer ang ating female tennis sensation,” kwento sa atin ni Jojo A.
Talagang nagpapawis sa tennis court ang ating kumpareng host-dancer. Regular yan pati ng pickleball kasama si dating Senador Koko Pimentel.
***
Kamakailan ay nag-reunion ang mga player ng Great Taste/Presto Tivoli. Ilan sa dumalo ay sina Allan Caidic, Vergel Meneses, Joel Banal, Cho Sison, Padim Israel, Atoy Co, Philip Cesar, Willie Generalao, Nonie Robles, Bong Hawkins, Gerry Esplana at Onchie de la Cruz.
Ma mga naging coach na iba gaya ni Fortune Cookie. Mayroon din mga nagpolitiko na tulad ni Aerial Voyager.
Great bonding time!