Advertisers

Advertisers

HUWAG HAYAAN ANG ISMAGLING NG BILYONG PISO SIGARILYO

0 32

Advertisers

UMPISA pa ng malawakang pagbaklas sa mga sindikato na sangkot sa pagpupuslit ng mga sigarilyo sa bansa. Dahil hindi nagbabayad ng buwis ang mga sindikato ng ismagling ng sigarilyo, nahaharap sila sa paratang na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act , ayon sa mga awtoridad ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Naghahanda na sila na magsampa ng criminal charges umpisa bukas, ika-3 ng Pebrero, upang managot ang mga nasa likod ng pagpupuslit ng ?1.1 bilyon halaga ng sigarilyong ilegal na nasakote sa Batangas City noong New Year’s Eve.

Isang malinaw na senyas ito ng pagpapatupad ng Republic Act (RA) 12022, o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na isinabatas noong 2024 upang baklasin ang iba’t ibang agricultural crimes tulad ng smuggling, hoarding, profiteering at cartel operations.

Inuri ng bagong batas ang tobacco bilang “protected agricultural product” at ipinagkait ang piyansa sa mga lalabag. Maaari silang mabilanggo ng habambuhay kapag napatunayan na nagkasala.

Ayon kay PNP-HPG chief B/Gen. Hansel Marantan, may malaking tiwala siya na merito ng nasabat ng puslit na kargamentong sigarilyo. Nakilala ang mga nasa likod ng ismagling at kasama sa kanila consignees, truckers, at iba pang kalahok sa operasyon.

“We see a big chance of conviction here, if I can say 100 percent,” ayon kay Marantan sa isang news forum sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Kasama sa mga kakasuhan ang asawa ng isang kawani ng Bureau of Customs na kasama bilang trucking consignees. Nakilala na rin ang mga nagpondo ng Batangas illegal cigarette operation kahit nasa ibang bansa ang ilan sa kanila. Haharap sila a sakdal sa pagbalik nila sa bansa, aniya.

Ngayon, tinatrabaho ang pag-isyu ng mga arrest warrant laban sa kanila. Sinabi ni Marantan na masusing sinusubaybayan ni BBM, Interior Secretary Jonvic Remulla, at PNP chief Nartatez ang pagsulong ng kaso. Ibinibigay nila ang lahat ng suporta upang masiguro na may sakdal na maihaharap sa husgado.

Ayon kay Marantan, sama-samang nagtrabaho ang Batangas operation ng HPG, Bureau of Customs, Criminal Investigation and Detection Group at iba pang ahensya. Ayon kay PNP Director of Operations PMGen Francis Cariaga, nagsisilbi ng Batangas operation bilang “test case” ng RA 12022, lalo na lumampas sa P10 milyon ang estimated value ng kontrabando.

Sinabi ni Cariaga na mula nang ipasa ang batas noong 2024, kinilala ng mga law enforcement agencies ang solidong “all government” approach pagdating sa anti-smuggling operation.
***
UUMPISAHAN ng House Committee on Justice ngayong linggo upang alamin kung sapat sa anyo at sustansya ang dalawang impeachment complaint na isinampa laban kay BBM sa Camara de Representantes. Ito ang tiniyak ni Kin. Terry Rison, ng Bicol Saro Party List sa kanyang pagharap sa Saturday Media Forum at Dapo Restaurant sa Quezon City. Si Ridon, isang mananaggol, ang kasalukuyang hepe ng House Committee on Public Accounts.
“Sa Lunes magsisimula po ang proceedings ng House Committee on Justice,” ani Ridon. “Handa po ang buong committee na dinggin ‘yung dalawang tanong, sufficiency in form and sufficiency in substance, nung dalawang impeachment complaints na filed laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong R. Marcos Jr.”

“So magsisimula po ‘yung pagdinig sa darating na Lunes ng umaga,” ani Ridon. “Antabayanan po natin ‘yung paglalahad ng complainants ng lahat ng kanilang magiging batayan dito sa pagsasampa ng kaso kay Pangulong Marcos,” aniya.

“Inuna muna doon ‘yung arrest ni former President Rodrigo Duterte at pagdadala sa kanya sa The Hague to face trial under the International Criminal Court,” ani Ridon. “Ang ginawa ng Executive ay pag-implement ng isang tratado sa pagitan ng Pilipinas at ng Interpol.”

“So tingin ko walang impeachable offense sa ganyang bagay,” aniya. “It does not rise to a culpable violation of the Constitution. It does not rise to a betrayal of public trust.”

May sinabi si Ridon tungkol sa unprogrammed appropriations na kasama sa akusasyon kay BBM. “Unprogrammed appropriations had been in the budget since 1989,” ani Ridon. “I don’t think the Supreme Court had ever stated that this is an unconstitutional provision in the national budget,” aniya.

“It does not rise to public trust or a culpable violation of the Constitution. So we will leave it to the complainants to make their case by next week,” aniya. “Ang impeachment po ay sole prerogative ng legislature,” aniya.

“Impeachment proceedings will always be based on facts, it will be based on evidence, and decisions relating to impeachment will be based on the conscience of every House Member.”

***

Email:bootsfra@gmail.com