Maliban Sa Magandang Track Record Sa Lipa, Batangas! V ice Mayor Mikee Morada Aminadong Ang Misis Na Si Alex Gonzaga Ang Nagbukas Ng Maraming Pinto Sa Kanyang Political Career!
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Nang manilbihan noon bilang Councilor ng Lipa Batangas si Mikee Morada. Na ngayon ay isa ng Vice Mayor ay maganda na talaga ang naging track record ng mister ni Alex Gonzaga. Lalo na pagdating sa maayos, malinis at tapat na serbisyo sa kanyang mamamayan. At ngayong isa ng Bise Alkalde ng Lipa Batangas si Mikee ay mas lalo pa nitong pinagbubuti ang kanyang serbisyo sa mga taong kinasasakupan sa Lipa City. Triple ang trabahong ginagawa nito para magampanan ang goal na makatulong sa lahat.
Tuwing Miyerkules ay Peoples Day sa tanggapan ni VM Mikee sa City Hall ng Lipa. Dagsa ang mga taong nagpupunta sa upisina ni Mikee para sa iba’t-ibang problemang idinudulog sa kanilang bise. Nagkaroon na rin Inauguration at Blessing ang Department of Pathology and Clinical Laboratory Metro Lipa Medical Center at dinaluhan ito ni VM Mikee. Nakasentro ang serbisyon ng mabait at masipag na politiko sa kalusugan na libreng medikal sa mga bata, seniors at sa lahat. At sa edukasyon para naman sa mga kabataan.
Madalas ay nasa iba’t-ibang barangay rin ng Lipa si VM Mikee at dumadalaw siya sa mga bahay ng mga residente at inaalam ang sitwasyon ng mga bawat pamilya. Pinupuntahan rin nito ang iba’t-ibang imbitasyon sa kaniya tulad ng kasal at binyag. Nakikiramay rin siya sa mga taong namatayan.
At dahil sa magandang serbisyo, mga pagtulong at malasakit sa kanyang mga constituents. Kahit saan magpunta si Mikee ay dinudumog talaga siya ng mga tao. Noong fiesta nga ng Lipa City, ay nasaksihan ng entertainment press, kung paano pagkaguluhan si Mikee. At sa interview sa kanya ng press at sa tanong na bakit siya pinagkakagulohan at kung ganito na ba talaga dati siya. Narito ang sinserong tugon ng gwapong bise alkalde.
“Malaking factor, talaga si Alex. Binuksan niya ang maraming pinto para sa akin. So, siyempre kilala ako, na na ngayon lalo na ngayon kabiyak niya,”
“E di kailangan ko ring ipakita,na siyempre dapat magalang tayo at maayos. Dahil nirerepresent ko, hindi lang ang aking sarili, pati siya at family niya.
Yes all-out ang support ni Alex kay Mikee lalo’t mahilig rin itong magkawanggawa. And infairness to Alex, ay marami rin siyang fans sa Lipa.