Advertisers
SABAY na umarangkada ang impeachment complaints laban sa dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Muling isinulong nung Lunes, Pebrero 2, ang impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte-Carpio.
Lumusot naman sa House Committee on Justice ang dalawang impeachments complaints laban kay Presidente “Bongbong” Marcos, Jr.
Ang impeachment laban kay VP Sara ay binuhay lang naman. Una na siyang sinampahan last year, pero hindi kumilos ang Senate Impeachment Court. Tinulugan ng liderato noon ni Senador “Chiz” Escudero. Tapos nang tumakbo sila sa Korte Suprema, dineklara ng kataas-taasang hukuman na “unconstitutional” ang pagsampa ng impeachment laban sa pangalawang pangulo. Minadali raw kasi, hindi dumaan sa proseso. In short, via technicality ang pagbasura sa naturang impeachment.
At ito ngayon, muling isinampa ang impeachment vs VP sara. Same grounds: maling paggastos sa kanyang intelligence funds noong DepEd Secretary siya at ng sa Office of the Vice President (OVP) kungsaan natuklasan na sa “ghost beneficiares” napunta ang daan-daang milyong public funds.
Wala pang komento si VP Sara ukol sa muling pagbuhay na ito sa impeachment laban sa kanya. Nasa The Hague, Netherkands yata siya, problemado sa kaso ng kanyang ama (Digong) na mag-isang taon nang nakakulong sa ICC facility dahil sa kinakaharap na kasong ‘Crime against humanity’ kaugnay ng mga pagpatay noong termino niya.
Ang pagsampa naman ng impeachmet laban kay PBBM, sa totoo lang ay walang kakuwenta-kuwenta pero lumusot sa komite. Ewan!
Basta ang tanging naging reaksiyon ni PBBM ay: “Wala akong ginawang mali.”
Naniniwala ako mababasura lang ang impeachment complaints laban sa pangulo. Peks man!
Ito ang unang pangyayari na sabay sinampahan ng reklamo ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa. Kapag pareho silang na-impeach, ang papalit bilang pangulo, ayon sa ating Konstitusyon, ay ang Senate President.
***
Sa latest survey ng OCTA Research about performance nina PBBM at VP Sara, lumalabas na mas mataas ang rating ng pangalawang pangulo.
Sagot sa survey: Mas marami raw nagawa si VP Sara kesa kay Pres. BBM. Ganun?
Reakyon ng netizens: Ano kaya ang nagawa ni VP Sara eh lagi itong wala sa Pilipinas?, ‘di pumapasok sa kanyang opisina at puros katiwalian ang nangyayari sa kanyang tanggapan? Ganun na raw ba ka-bobo at ka-tanga ang mga Filipino ngayon? Ewan!
***
Nasa Pilipinas parin daw ang wanted na gambling tycoon Atong Ang, sinasabing utak sa pagkawala ng mga “mandarayang” sabungero noong kasagsagan ng Pitmaster onine sabong ni Atong, sabi ng Department of Justice.
Kung nasa Pinas pa nga si Atong, bakit ‘di parin naaaresto?