Advertisers
SARI-SARING kasakiman ang bumulaga sa atin sa pag-pasok ng 2026. Di ito malakihan gaya ng mga sakim na nagpapasasa na ngayon sa pondo ng pagkontrol sa baha.
Una, nabalitaan niyo naman siguro yun negosyanteng dinukot diyan sa aming probinsiya sa Nueva Ecija. Halos magtagumpay ang mga kidnapper dahil nanghingi agad sila ng limang milyong piso na ransom sa pamilya gamit ang celfone ng kanilang biktima.
Pero sa kanilang pagtakas, sa kasamaang palad, naka-hit and run sila, hinabol ng taong bayan at halos abutan dahil na flat tire ang sasakyang ng biktimang ginamit nila nang dukutin ang kanilang target victim. Nakatakas naman, kaso wala na ang kanilang dinukot, nakatakas na rin.
Tanging celfone ng biktima ang dala-dala at tangay nila sa kanilang pagtakas at pagtatago. Ang celfone din iyon ang nagpahamak sa kanila at nagdala ng karma, dahil sa gps nito. Ayun, timbog at nabisto ang mastermind na dismissed ng pulis bilang mastermind ay pinsan pala ng biktima.
Oh di ba? Pati karma ngayon ay digital na. Sama raw ng loob ng mastermind ang bunga ng kanilang pangingidnap. Hay buhay nga naman.
Nabalitaan din natin ang pag-ambush sa isang mayor sa Maguindanao, at di ratratan ang pang-aambush na yun ha. RPG (Rocket Propelled Grenade) ang gamit.
Mahuhusay ang mga salarin, sakto ang banat at gamit ng RPG, sapul ang sasakyan ni Mayor. Problem is, bullet-proof pala ito, at di man lang nagalusan.
Problema pa, ang gamit na get-away vehicle naman ng mga assassin ay isang minivan, yun bang nausong multi-cab noon. Eh kung paspasan ang pag-uusapan eh 50 kph lang ata kayang bilis nun.
Hayun, inabot ang mga salarin, dedo ang tatlo, at nakatakas ang driver. Sabi ng mga lespu, magkaka-mag-anak sila, na kilalang mga hired killers sa rehiyon.
Slow mind, ika nga, di nag-isip. Basta magkamal lamang ng salapi kahit sa maling paraan. Sa dalawang kaso pa lamang na bumulaga sa atin ngayon taon yan ha. May kasunod na nga di ba, ang makademonyong pagpatay kay
Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido. Dinamay oa ang kanyan 8 year old boy na John Ysmael.
Patawarin sana kayo ng Diyos!