Advertisers
SOBRANG saya ng mga batang Bicolano na naturuan ng basic knowledge sa larangan ng sining at nabiyayaan din ng libreng bola matapos ang sports clinic at arts session na ating nai-conduct nitong weekend sa Bgy. dapdap, Pilar, Sorsogon.
Sa suporta ng ating mahal na Senador Bomg Go. Philippine Sports Commission,Hoy Mahatlika ni Doc. Chito Collantes na pinuno din ng CWSS Flames, Raven Sikaran Tanay founding head Master Crisanto Cuevas Archi Jayzee Celestial, Pakistan Muslim League( N ) President Tariq Butt, PSC Comm. Wawit Torres atbp. ay nairaos ng inyong lingkod ang advocacy event for a cause na GO Young Artists/Athletes GO! DaniGilas Free Arts session and Sports Clinic in the countryside.
Sa tiyempong Kapistahan pa ng Bgy . Dapdap ay nagtipon ang mga batang potensiyalna matuto sa ating handog na larangan sa kanila ng libre ang karunungan. Laking pasasalamat ng mga musmos na alagad ng sining at sports sa pinagkaloob ni Sen. Bong Go na mga bolang basketball at volleyball, ballers, tshirts at arts materials.
Doon lang sila nakakita ng aktwal kung paano ang mag-drowing, painting,design at t-shirt printing. ( sa susunod ay mural painting naman).
Sa dami ng mga batang nag- participate ay humilng pa sila ng extra session sa susunod na buwan bago ang graduation sa mga paaralan doon.
Ang inyong lingkod Uppercut ay tunay na walang pagsidlan ng tuwa sa naging outcome ng noble endeavour para sa mga kabataang musmos sa Bicol.
May part 2 pa ito sa susunod na buwan ng Marso… ABANGAN!