Advertisers
Eksaktong isang linggo ngayon nang parangalan ang Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan Acting District Director PCol. Glenn Randy Silvio, bilang Best Police District sa National Capital Region (o sa buong bansa) sa selebrasyon ng ika-35 anibersaryo ng Philippine National Police na ginanap sa Camp Crame, Quezon City.
Ang pagkilang – the best among the five Police District in Metro Manila, ay muling pinatunayan ng QCPD na nararapat lamang ang parangal para sa distrito, ito ay makaraang makamit agad ng pinaslang na policewoman na si PSMSgt. Diane Marie Mollenido at ng kanyang walong taong gulang na anak na si John Ysmael ang katarungan nang malutas agad ng QCPD ang krimen.
Ang matagumpay na operasyon ng QCPD ay bunga ng kanilang dedikasyon at ipinamalas na hindi kailangan pang abutin ng dekada ang isang kaso bago makakita ng pag-asa ang mga biktima ng karahasan.
Sa loob ng ilang araw, mula sa pagkatuklas ng krimen hanggang sa pag-aresto sa mga suspek, naipakita ng QCPD ang bagsik ng batas – ang mabilis na aksyon ni Col. Silvio at ng kanyang mga opisyal/tauhan ay nagsisilbing ehemplo para sa buong PNP.
Sa imbestigasyon ng QCPD, nakapanlulumong isipin na sa halagang P450,000—na pambayad lamang sana sa isang sasakyan—ay nagawang kumitil ng buhay. Sa malalimang pagsisiyasat, ang pagtataksil ng mag-asawang Christian at Pia Panganiban ang naging mitsa ng lahat – nalinlang sa isang pekeng transaksyon ng Mitsubishi Montero ang biktima kung saan nauwi ito isang brutal na robbery-homicide.
Nakalulungkot lang din isipin na ang “pagmamahal sa salapi” ay walang pinipiling relasyon, kahit pa ang biktima ay itinuring na “ninang” at kaibigan.
Samantala sa sinasabing partisipasyon ni John Mollenido (asawa ng biktimang policewoman at tatlong taon na rin silang hiwalay) sa krimen naging malinaw naman ang lahat. Sa gitna ng mga haka-haka sa simula ng imbestigasyon, nilinaw ng mga otoridad na hindi na siya itinuturing na mastermind sa likod ng pagpaslang – kung saan ito ay isang malaking pag-unlad sa kaso na nagbibigay-linaw sa tunay na partisipasyn ng bawat sangkot/isinasangkot sa krimen.
Pero sabi naman nina DILG Secretary Jonvic Remulla na hindi pa naman tuluyan “off the hook” sa kaso si John ito ay dahil daw sa naging asal matapos ang krimen—gaya ng mabilisang pagpapa-cremate sa mga labi nang walang sapat na pagsusuri.
“He’s not yet off the hook. Noong nalaman nung namatay ang kanyang asawa imbes na i-subject sa autopsy ay pina-ano kaagad, pina-cremate kaagad kasama ang suot na damit. At nung tinatanong yung John kung ano ang involvement niya, wala siyang remorse,” pahayag ni Remulla.
Dahil dito si John sa ngayon ay nananatiling “person of interest.” Bagama’t hindi siya ang utak ng mismong pagpatay. Ano pa man, patuloy na nagsisiyasat ang QCPD upang malaman kung mayroong ngang partisipasyon si John sa krimen.
Pero sa kasalukuyang ang malinaw ay hindi si John ang mastermind o utak sa krimen.
Bagama’t kinokonsidera na ni Sec. Remula “case closed” na ito dahil sa pagkahuli sa mga pumatay, ang tunay na tagumpay ay masusukat sa loob ng korte. Ang matibay na pundasyong inilatag ng QCPD ay dapat maging sapat upang tuluyang makamit ng mga biktima ang tunay na katarungan.
Sa pagkalulutas agad ng QCPD sa krimen, pinatunayan ng pulisya na kapag may seryosong liderato, ang katarungan ay hindi lamang pangarap—ito ay kayang makamit nang mabilis at walang kinikilingan.