Advertisers
Naaresto ng Malabon City Police Station ang No. 1 Top Most Wanted Person sa lungsod sa isinagawang operasyon noong Pebrero 2, 2026, sa Barangay Catmon, Malabon City.
Isinagawa ang pag-aresto ng Warrant and Subpoena Section ng MCPS sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 73, Malabon City, kaugnay ng mga kasong paglabag sa Revised Penal Code at Republic Act 7610, na inamyendahan ng Republic Act 11648.
Matapos ang matagumpay na operasyon, agad na isinailalaim ang akusado sa medical examination sa Ospital ng Malabon at kalaunan itinurn-over sa MCPS Custodial Facility para sa pansamantalang pagkakakulong habang hinihintay ang commitment order mula sa hukuman.
Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pamumuno ni PCol.Allan B Umipig, chief, MCPS, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted na indibidwal at sa patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at hustisya sa Lungsod ng Malabon.(Beth Samson )