Advertisers

Advertisers

Kris Bernal, pumiyok sa akusang matapobre

0 9

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

HINDI pa man bumabalik sa limelight si Kris Bernal pagkatapos niyang magpakasal sa businessman-chef na si Perry Choi noong 2021 ay nagsimula nang maglabasan ang mga sitsit na nagbago na raw ang ugali ng aktres.

Ito ay dahil na rin sa diumanoý bagong lifestyle ng aktres.

Actually, hindi naman lavish ang lifestyle ni Kris kundi masasabing komportable lang.

Para sa kaalaman ng madlang pipol, bago pa man nagpakasal si Kris sa kanyang hubby ay nagsimula na siyang maging enterprising businesswoman noon dahil mula sa perang naipon niya na katas ng showbiz ay nakapagpundar na siya ng negosyo.

Naniniwala kasi siyang hindi naman permanenting karera ang pag-arte sa showbusiness.

Kamakailan naman ay muling pinagpiyestahan ng mga tsismosang kapitbahay si Kris.

Iniintriga kasi ang aktres kung bakit daw naka-uniporme ang kanilang mga katulong sa bahay na minsan ay kasama pa nila sa mga importanteng lakad ng pamilya.

Ayon sa mga katkatera at sawsawera, , pinagmukha raw kawawa ni Kris ang kanyang helpers sa pag-oobliga niyang pagsuotin ng uniporme ang mga ito.

Gayunpaman, lately ay umalma si Kris sa mga paratang ng kanyang bashers na isa siyang manipulative at domineering boss.

May mga pa-savage pa ngang inaakusahan siya bilang matapobre.

Nagpaliwanag naman si Kris na hindi niya inoobliga ang kanyang mga katulong na magsuot ng uniporme.

Katunayan, esplika ng kanyang helper, kusang loob sa kanila ang pagsusuot ng uniform.

Ipinaliwanag din nila na noong mag-apply sila ng trabaho ay sumang-ayon na sila sa dress code sa kanilang empleyo.

Ang mga dati namang kakilala ni Kris lalo na iyong malalapit at kabisado ng ugali ng aktres ay ipinagtanggol din si Kris.

Sey ng kanyang defenders, sa pagkakakilala nila sa aktres ay hindi ito nanunuri ng tao at never na nagbago ang ugali nito kahit pa noong baguhan pa lamang ito sa showbiz.

Para sa kanila, ang dating loveteam partner ni Aljur Abrenica ay mabait na tao, propesyonal at makipag-kaibigan.

Never din itong naging sakit ng ulo ng sinumang director na nakatrabaho nito dahil sa disiplina nito.