Actress-Comedianne And Top Vlogger Alex Gonzaga, Personal Choice Ng Couple Na Sina Mr and Mrs Jolo & Kathleen Prado Para Maging Brand Ambassadress Ng Kanilang Captain Calamares
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Behind Captain Calamares, success na itinuturing ng fast growing seafood kiosk. Ngayon lang namin nalaman na mahirap pala ang mga pinagdaanan ng mag-asawang owner nito na sina Mr and Mrs Jolo at Kathleen Prado bago nila napagtagumpayan ang nabanggit na negosyo.
Sinimulan nila itong itayo noong March 2023 na ang una nilang physical store ay sa Brgy. Sto Niño, Cainta, Rizal. At nai-revealed, nga ni Sir Jolo na CEO o Chief Executive Officer ng Captain Calamares ang grabeng mga pinagdaanan nila ni Ma’am Kathleen(Chief Operatin Officer) sa mismong contract signing at mediacon last Feb 3 ni Alex Gonzaga-Morada.
Personal choice nilang pareho ni Ma’am Kath si Alex, para tumayong Brand Ambassadress ng kanilang Captain Calamares. Yes, dahil sa pagsisikap at nakaipon na rin ay nakuha nila ang serbisyo ni Alex na hindi lang sikat bilang actress-comedianne kundi isa rin sa kilalang Top Vlogger. Kitang-kita na Teary eyed at masayang-masaya si Sir Jolo na finally ay ito na, kanila nang ipinakilala si Alex bilang kanilang brand ambassador sa entertainment media.
Kasi naman dugo, pawis, hirap, at malaking pera pala ang naging puhunan nila sa negosyong ito kaya deserve talaga nila ni Ma’am Kathleen na mas maging successful pa at magkaroon pa ng maraming branch nationwide. At dahil may branch na sila sa SM Bacolod ay target nila na magkaroon naman ng branch sa SM Cebu at SM Davao. Sa ngayon ay mayroon na silang 56 branches na may kiosk sa mga popular mall sa Mega Manila.
Samantala, aside kay Alex, Sir Jolo, at Ma’am Kathleen ay present rin sa nasabing contract signing ang dear Mom at manager ni Alex ng mahabang panahon at ng sister na si Toni Gonzaga na si Mommy Pinty. Isa ring famous vlogger si Mommy Pinty sa Vlog nila ni Daddy Bonoy na BoPIn sa kanilang Youtube channel.
Sa Q and A ay natanong ng Philstar si Sir Jolo, kung bakit si Alex ang kinuha nilang endorser? At mabilis na naging tugon nito ay alam naman ng lahat kung sino si Alex at napakarami talaga nitong followers sa social media.
May mga nagsu-suggest pa nga raw kay Sir Jolo na si ganitong artista o vlogger ang kunin na kaya ng budget nila. Pero mas sinunod pa rin nila yung kanilang goal na si Alex ang gusto at choice nila ni Ma’am Kath.
Pero mahabang panahon raw ang naging negosasyon bago nila napa-Oo sina Alex at Mommy Pinty. At finally, hayan at noong Pebrero 3 ay pormal na nilang ipinakilala sa invited press(including yours truly) na parte na ng kanilang Captain Calamares si Alex. At nang si Alex naman ang matanong ng press, ay kinompirma nila ng kanyang Mommy Pinty na ilang months talaga yung naging negosasyon bago sila napa-Oo ni Sir Jolo. Hindi raw kasi sila basta agad tumatanggap ng endorsement. Inaalam raw muna nila o nagre-research sila ng kanyang mommy kung okey ba o hindi yung product? At dahil paborito ni Alex ang honey sriracha flavor(marami pang ibang flavors) ng Captain Calamares, plus ang special na sawsawang suka. At magkalapit lang daw kasi ang lugar nila ni Sir Jolo at Ma’am Kath na nasa Cainta, sila naman sa Taytay, Rizal. Kumbaga parang pamilya na at hanga talaga si Alex sa humble begginings ng mag-asawa.
Kaya hayan, at pumirma na nga siya ng kontrata. Ginanap pala ang nasabing contract signing ni Alex sa TIO PEPE Restaurant sa Molito Lifestyle Center, Alabang. Nagsilbing host naman ng event si Ms. Bianca Sangco, na infairness maganda ang PR sa amin sa entertainment press.
Dagdag pa ni Alex, ay excited na siya na maging parte ng Captain Calamares at sa collab nito with them. Kabilang na ang pagpo-promote nito sa kanyang social media accounts like sa kanyang official Facebook Page na may 15 million followers at 12.9M naman sa kanyang IG account. At siyempre, sa iba pang mga coming campaign nito.
Na gusto ni Alex ay mas marami pang makakain ng pino-promote niyang calamares na super sarap. By the way, sinurprise pala ni Lipa Batangas Vice Mayor Mikee Morada ang kanyang magandang wifey na si Alex sa contract signing nito.
Magiliw rin silang nagpa-unlak sa lahat ng mga gustong magpa-picture sa kanila also Mommy Pinty na hindi rin maramot magpakuha. Naaliw, naman ang lahat sa dance number ng cute na Mascot ng Captain Calamares na ang bonggang sumayaw!