Advertisers
TAMA itong naging aksyon ni Congressman “Sandro” Marcos na magkaroon ng batas laban sa mga mambubutas este mambabatas na pala-absent pero buo ang sueldo at kumukubra ng daang milyones na kickbacks sa kanyang mga ibinababang proyekto.
Sa pagsulong ni Sandro, panganay na anak ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr., ay bigla raw pumasok sa Kamara ang mga mambabatas na Duterte na kilalang pala-absent lalo na nung pangulo ang matandang Duterte, si “Tatay” Digong.
Malaking bawas nga naman sa kanilang suweldo na mahigit P300,000 kung a-absent sila, gayung pakuya-kuyakoy lang naman sila sa opisina. Mismo!
Ginawa ng batang Marcos ang hakbang na ito dahil narin sa maraming bulakbol na congressman, na sumusuweldo ng buo kahit madalang sumilip sa kanilang opisina.
Dapat ganito rin ang mangyari sa Senado.
Isang malaking halimbawa rito si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na apat na buwan nang hindi sumisipot sa kanyang opisina. Can’t be reach siya kahit sa kanyang telepono, pero buo ang sinusuweldo which is very unfair sa taxpayers o mamamayan na nagpapasuweldo sa kanya. Mismo!
Hindi na nagpapakita sa publiko si Bato since ianunsyo ni Ombudsman “Boying” Remulla na mayroon nang ICC arrest warrant ang senador, kungsaan ay co-accused siya ni ex-President Duterte sa kasong ‘Crimes against humanity’ about sa mga brutal na pagpatay noong kanilang termino sa Palasyo ng Malakanyang.
Si Duterte ay mag-isang taon na ngayong nakakulong sa ICC facility sa The Hague, Netherlands.
Bukod kay Bato, ilan pang dati at aktibong opisyal ng nakaraang administrasyon ang co-accused ni Duterte. Maiisyuhan narin daw sila ng ICC warrant sa mga susunod na buwan, sabi ni ex-Senator Sonny Trillanes. Abangan!
***
Minamaliit ni Bise Presidente Sara Dutere-Carpio ang ikinasang impeachment sa Kamara, at isinampang kasong Plunder sa Ombudsman laban sa kanya.
Say ni Inday Sara, kapirasong basurang papel lang daw ‘yang isinampa laban sa kanya.
Pero sa totoo lang, kabado si VP Sara na siya’y ma-impeach kasi ‘pag nangyari ito, hindi narin siya makakatakbo pa sa kahit anong posisyon sa gobierno ‘pag nahatulan siya ng ‘perpetual disqualification’, maliban nalang kung mabigyan siya ng ‘absolute presidential pardon’ tulad ng nangyari kina ex-President Erap Estrada, ex-Pres. Gloria Arroyo, at ex-Sen, Antonio Trillanes.
***
Umaangal ang mga iligalista sa Maynila partikular ang mga engineer ng pekeng dokumento sa “University of Recto”. Ang lupit daw mangikil ng mga kolektong ng Manila Police District na nagngangalang alyas “Raffy” at alyas “Albert Panget”.
Naku! Malamang ipa-entrap ito ni Yorme, na gigil sa paglilinis sa mga kalawang sa Maynila.
“May gobierno na sa Maynila kaya kayong mga tolongges,behave!,” babala ni repang Yorme.