Advertisers

Advertisers

Bgy. Kagawad tulak ng droga, timbog

0 11

Advertisers

Arestado ang isang Barangay Kagawad sa isinagawang buy bust operation ng PDEA Davao Oriental Provincial Office, katuwang ang PRO XI-RegionalIntellegence Unit at Mati City Polioce Station, sa Barangay Central, Lunes, Pebrero 2, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Wad” 52 taong gulang, barangay kagawad ng barangay Lawigan.
Sa report, nadakip ang suspek nang magbenta ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 sa isang PDEA operatiba na nagsilbing poseur-buyer.
Nasamsam din ang isa pang sachet ng shabu, drug paraphernalia, at buy bust money.
Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 20022.
Binigyan-diin ng PDEA ROXI na walang sinuman ang higit sa batas at patuloy ang kanilang paninindigan para sa isang drug-free na komunidad. (A. Mendoza)