Advertisers
HINDI pinalampas ng mortal na kalaban ng Duterte, dating Senador Antonio Trillanes IV, ang mga huling pahayag ni Davao City Representative o Congressman Paolo “Pulong” Duterte tungkol sa usapin ng flood control projects.
Naunang bumanat si Pulong, sinabi niyang tila nalilihis na ang atensyon ng publiko sa mga iregularidad ng flood control dahil nakatutok daw ang lahat sa impeachment proceedings.
Sagot ni Trillanes, hinding-hindi niya kinalilimutan ang isyu ng bilyon-bilyong pisong pondo na ibinaba sa opis ni Pulong noong unang termino niya sa Kongreso, kungsaan huling 3 taon ng termino kanyang ama (Digong) bilang pangulo.
Matatandaang lumabas sa mga pagdinig ng Kongreso na ang distrito ni Pulong sa Davao City ay nakatanggap ng mahigit P51 billion para sa flood control [rojects sa loob lang ng tatlong taon noong panahon ng administrasyon ng kanyang erpat.
Giit ni Trillanes, dapat talagang busisiin ang bawat sentimo nito dahil sa mga ulat ng ghost projects at substandard na konstruksyon na nadiskubre ng mga imbestigador.
Para sa dating senador, ang mga ganitong malalaking anomalya ay hindi dapat matabunan ng kahit anong ingay sa politika. Mismo!
Kaya relax ka lang, Cong. Pulong, masasalang karin sa imbestigasyon. Ihanda mo na ang mga ebidensiyang nasa tama lahat inilagay ang P51b public funds na ipinagkatiwala sayo.
Subaybayan!
***
Tuluyan nang binasura ng Kamara ang impeachment laban kay Pangulo “Bongbong” Marcos, Jr., nitong Martes, Pebrero 10, 2026.
284 ang bomoto sa higit 300 bilang ng mga kinatawan kabilang ang mga party-list.
Dahil dito ay hindi na maaring sampahan pa ng impeachment si PBBM sa taong ito. Maghihintay ng next year, 2027, ang mga gigil magpatalsik kay Marcos sa Palasyo.
Pero ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio ay umuusad.
Nitong Martes ay inakyat na sa tanggapan ng House Speaker ang ikatlong reklamo laban sa pangalawang pangulo.
Una nang sinampahan si VP Sara last year, pero tinulugan forthwith ng Senate Impeachment Court na noo’y pinamumunuan ni Chiz Escudero. At kalaunan ay dineklara pa ng Korte Suprema na “iligal” dahil hindi raw nasunod ang proseso, baga’y na inalmahan ng mga pro-Marcos lawmakers.
After 1 year ban, muling ikinasa ng mga kritiko ng Duterte ang impeachment kaban kay VP Sara. Dinagdagan pa ang mga ebidensiya na nakalap mula sa mga imbestigasyon at nagsulputang testigo tulad ni Ramil Madriaga na dating katiwaldas ni VP Sara.
Si Madriaga ay nagsalita matapos makulong sa kasong “gawa-gawa” raw ng dati ring kakampi, tapos pinabayaan lang ni VP Sara.
Ibinunyag niyang dating “bagman” siya ni VP Sara, nag-distribute ng milyon-milyong pera noong kampanya. Galing daw ang pera sa mga iligal. Boom!
Subaybayan!!!