Advertisers

Advertisers

SHERYL CRUZ ON BASHERS: “PAG HINDI MO MAHAL YUNG SARILI MO BIBIGAY KA!”

0 28

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Paboritong target ng bashing at bullying ang mga artista, at si Sheryl Cruz ay hindi ligtas dito.

Paano niya naha-handle ito?

“Well kung hindi malakas ang iyong loob huwag mo nang pasukin ang showbusiness,” umpisang bulalas ni Sheryl.

“Kasi I started when I was four years old, at alam naman natin na ang bullying, ang bashing hindi mawawala na iyan. Parte iyan ng social climate natin.”

Noong nagsisimula pa lamang siya na mag-artista, wala pang social media pero dumanas na rin si Sheryl ng bullying.

“Sa school,” pakli ni Sheryl.
“Well meron na so hindi mo rin puwedeng sabihin na we’re immune to it.
“Because growing up sa school siyempre pag medyo sikat ka o kilala ka, may mga tao doon na hindi natutuwa dun sa success mo, so they try to put you down, bring you down.

“So doon pa lang sa stage na iyan or sa phase na iyan, na-introduce na sa amin ang mga bullies at bashers di ba, yung ganun.

“Ngayon itong generation na ‘to, compared dun sa generation namin, siguro medyo kailangan na mas lakasan nila yung loob nila.

“Lalo na pag pinasok nila yung ganitong klaseng profession.

“Because it is a very unforgiving profession.

“And until now talagang we go through a lot of bullying and bashing, di ba? Pag hindi mo mahal yung sarili mo at hindi mo kilala ang sarili mo, bibigay ka.

“Kung wala kang tiwala sa Panginoon dun sa itaas at wala kang mga tao talaga na you can rely on, you don’t have a support team, medyo mahirap.

“So it’s really good to have friends that you actually rely on, family you can rely on, at tsaka yung mga fans!

“Kasi ang mga fans malaking factor din iyan ng pagbibigay ng confidence sa sarili mo.”

Tinanong namin si Sheryl kung may naaalala siyang pambu-bully sa kanya na hindi niya malilimutan.

Lahad niya, “Oh, yeah! Because I was part of That’s Entertainment they always sing, ‘That’s Entertainment’!

“Di ba yung mga ganun, pag dumadaan ako,” natatawang kuwento ni Sheryl matapos awitin ang sikat na linya sa theme song na iconic youth-oriented program ng yumaong Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno kung saan tampok ang napakaraming teenstars na karamihan ngayon ay mga establisadong artista na tulad nga ni Sheryl.

Pagpapatuloy pa ng aktres…

“So sa akin imbes na mairita ako ngumingiti na lang ako kasi at least ang iniisip ko, at least ako kumikita ako ng sarili ko, di ba?

“I earn my own keep, hindi ko kailangang humingi ng allowance sa magulang ko, I just get it from yung kita ko, yung suweldo ko.

“Ngayon pag sobra-sobra yun iniipon ko. Di ba, I mean hindi ako yung tipo ng bata na konting kibot ask sa magulang na, ‘Dad, Mom, pahingi, pahingi!’

“At least I know na I can rely on myself.

“At pag meron akong sobra puwede pa akong magpahiram sa iba,” at muling natawa si Sheryl na nakausap namin sa storycon ng pelikulang Kappa-tiran sa Pandan Asian Cafe sa Scout Limbaga sa Quezon City.
Samantala ay pagbabalik-pelikula ni Sheryl ang pelikulang Kappa-tiran ng Mamay Production ni Nunungan, Lanao del Norte Vice-Mayor Marcos Mamay na isa rin sa mga cast members ng pelikula.

Nasa Kappa-tiran rin si Ejay Falcon bilang male lead star, at sina Bembol Roco, Sam Coloso, Patricia Javier, MJ Macalintal, Bernie Batin, Mygz Molino, Jimsen Jison, Darwis Esmaeili at marami pang iba, sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan with Shiela Torres Lintan as line producer.

Karamihan sa mga eksena sa pelikula ay kukunan mismo sa Nunungan, Lanao del Norte.