Advertisers

Advertisers

57 pulis na ang kinasuhan sa Basilan hazing

0 10

Advertisers

MULA sa 54, umabot na sa 57 pulis na sangkot sa hazing sa ‘welcome rites’ sa mga bagong destinong pulis sa Lamitan City, Basilan ang kinasuhan na.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Brigadier General Randulf Tuaño, na tatlong patrolman ang nadagdag sa sinampahan ng kasong paglabag sa RA 11053, Anti Hazing Act of 2018, dahil sa kanilang pagpaplano, partisipasyon, at pagiging present sa hazing.
Sa 57 na nasampahan ng kaso, 24 dito ang unaccounted pa. Dahil dito ay binibigyan sila ng pagkakataon ng PNP na mag-report bago maituring na AWOL (Absent Without Official Leave).
Giniit ni Tuaño ang pag-iral ng ‘zero tolerance’ policy sa PNP.
Matatandaang kabuang 77 PNP personnel ang sinibak sa puwesto mula Regional Mobile Force Battalion 14B dahil sa nangyaring hazing sa mga bagong destinong pulis.