Advertisers

Advertisers

12 ‘NBI agents’ ninakawan mga guest sa resort sa Laguna

0 31

Advertisers

NINAKAWAN ng 12 indibidwal, na nagpanggap na mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang mga bisita sa isang resort sa Barangay Sucol, Calamba City, Laguna, Miyerkoles ng hatinggabi, Pebrero 11.
Sinabi ng pulisya na 20 katao ang nag-iinuman nang sumulpot ang mga armadong lalaki sa resort. Dinala ng mga ito ang mga biktima sa isang silid sa ground floor at pinasok ang silid ng caretaker saka isinama sa mga guest.
Matapos sinuntok at sinampal ng dalawang lalaki ang dalawang biktima at inakusahan silang mga scammer.
Agad na hinalughog ng mga lalaki ang lahat ng kuwarto ng resort at nilimas ang hindi pa matukoy na halaga mula sa mga biktima bago tumakas.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.