Advertisers

Advertisers

Alden Richards ‘di matanggihan si Nadine Lustre kaya nag-yes sa “Love, Siargao”

0 2

Advertisers

  • Ni Anne Venancio

Agad tinanggap ni Alden Richards ang alok na gumanap sa romantic comedy series na “Love, Siargao” kahit hindi pa kumpleto ang konsepto ng proyekto nang una itong ialok sa kanya.

Sa panayam sa Viu Philippines, sinabi ng Asia’s Multimedia Star na agad siyang na-excite nang malaman niyang makakasama niya si Nadine Lustre sa serye. Para kay Alden, malaking advantage ang pagiging taga-Siargao ni Nadine dahil makatutulong ito upang maging mas natural at makatotohanan ang kuwento.

Naengganyo rin ang aktor sa setting ng serye dahil ito ang unang pagkakataon niyang gumawa ng proyekto na kinunan sa isang isla. Gagampanan din niya ang karakter ng isang “island boy.”

“What’s not to like about ‘Love, Siargao’? For me, nothing,” pahayag ni Alden.

Mahalaga rin para sa aktor ang pagkakataong makatrabaho ang Viu sa unang pagkakataon. Aniya, naging espesyal ang proyekto dahil marami itong bagong karanasan para sa kanya bilang artista.

Mapapanood ang “Love, Siargao” tuwing Biyernes at Sabado, alas-6 ng gabi sa Viu Philippines.

Samantala, kabilang din si Alden sa cast ng paparating na medical drama series na “Code Grey” ng GMA.