Advertisers
Sa kasalukuyang panahon hindi mamalas ang mga kaugalian sa nakaraan na kinalulungkot na naglaho. Tila kinain ang kinalakihang kaugalian tulad ng pagmamano, paghalik sa kamay maging ang paggamit ng po at opo kung kaharap o kausap ang mga matatanda. Nag-iba ang kinahihiligan ng mga Pinoy na Kabataan, ang dating larong nasa kakalsadahan ngayo’y nasa silid na may kalamigan at sarili ang kaulayaw. Walang kausap subalit tumatakbo ang oras na ‘di namamataan sa pagpisil ng mga bagay na kinagigiliwan. Sa pagpasok ng teknolohiya sa mundong ibabaw, napabilis ang buhay ng tao at bumago sa pag-uugali ng nakakaraming tao.Nabawasan ang pakikipag-ugnayan sa kapwa at sarili ang sentro ng kasiyahan. At sa masasabing ang teknolohiya ang naglayo sa tao sa kapwa tao na paigtingin ang ugnayan at ganap na nalimot ang nakaraan. Walang pagtutol sa pag-unlad gamit ang teknolohiya subalit ang paglimot sa nakaraan higit ang magagandang kaugalian ang pinanghihinayangan.
Silip sa kasalukuyan na ‘di mahalaga sa kapwa ang damdamin ng iba sa likod ng sariling layon higit ang mailayo ang kabuhayan. Malinaw ang paggawa ng sala sa iba ay may pinaghugutan o huwaran na naglalarawan na sarili ang una at ‘di ang iba, sino sa palagay ni Mang Juan. Sa huntahan masisilip ang pagiging magalang ng Pinoy higit kung silip ang takbo ng kabuhayan ng kausap. Sa postura ng nag-uusap mapapansin kung sino ang angat at sino ang nasa baba. At kung maulinigan, ang pakumbabang pag-uusal ng isa sa mga nag-uusap mababatid ang kalagayan sa buhay ng mga nag-uusap. Magalang ang may pangangailangan kontra sa may kaya sa buhay na malakas ang pagbibitiw ng salita.
Sa totoo lang, hindi ganap ang kaayusan sa ibabaw sa dahilan may ilang nasa baba ng Lipunan ang marahas sa salita na pinupuhunan ang pagiging malapit sa ilang tao na kilala sa Lipunan at ginagamit ang pagiging malapit sa kilala sa Lipunan sa pang-iisa sa kapwa. Sa pagsasaliksik maraming kaganapan sa mga pagamutan sa bansa na ‘di nababalita ang panunuwag sa ilang mangagamot sa pamamagitan ng pagsusumbong kuno sa mga kilalang tao. Gamit ang banggit na panunuwag nag-aastang mga importanteng tao ang pumapasok sa mga pagamutan higit sa mga pampublikong pagamutan na ibig unahin kahit marami ang una. Gamit ang lapit, kapit sa mga kilalang tao at kaalaman sa social media, pumapasok sa may bayad na silid sa mga pagamutan. Sa pagpapagamot, silip na ibig ang primera klaseng na pagtingin na rason sa ‘di magkandaugaga ang mga tauhan ng pagamutan sa pag-aasikaso. Subalit, sa huli, isang Guarantee Letter ang dala na mula kilalang personalidad.
Sa maraming pagkakataon sa mga pagamutan ng pamahalaan, napansin na marami- raming tao sa laylayan ang gumagamit ng kalapitan sa mga tao sa Lipunan ang gamit sa panlililo’t panunuwag sa mga tauhan ng pagamutan ng makaisa sa mga serbisyong labis. Ang pagdadala ng kalatas mula sa mga kinatawan nilapitan ang gamit upang lagpasan ang maraming nauna sa hanay. Ang masakit, ‘di nagawang magpakumbaba sa pakikipag-usap gayung sila ang may pangangailangan. Sa totoo lang, ‘di natigil ang banggit ng Kagawaran ng Kalusugan na wala ng Guarantee Letter sa mga pampublikong pagamutan. Maraming sa nagpapagamot sa mga pampublikong pagamutan ang sa una lang ang paglalaan ng pambayad at sa huli, GL ang pambayad kahit sa pribadong silid tumigil upang mauna o makaisa. Ganap na isa itong panlalamang na uri ng katiwalian.