Advertisers

Advertisers

BEA GUSTO MAS LALO MAG GROW KAYA LUMIPAT SA VIVA

0 20

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nagkaroon kami ng time na makadaupang-palad ang dating GMA artist na si Bea Binene.

Isa sa host ng 30th year ng GMA Foundatiom ang aktres, natanong namin kung bakit bigla siyang umalis sa dati niyang homestudio.

Aniya, “gusto ko po kasi na mas lalo akong mag grow, lagi yan naman po ang sinasabi ko kapag may nagtatanong sa akin.”

Wala naman daw blood clot na nangyari sa kanila ng dating homestudio.

“Lagi po akong nagpapasalamat sa GMA sa ginawa nilang pagtulong sa akin. 2022 pa po akong nagpaalam sa kanila. ”

Aniya: “Nasa Viva po ako matagal na after na umalis ako sa GMA. Pero, everytime na they need naman po nila ako, willing naman po akong palagi. Like nga po nitong paghohost ko sa GMA Kapuso Foundation.

Ang last project ni Bea ay ang Dugong Buhay with Kiko Estrada na napapanood sa TV 5.

Natapos na ang karakter niya doon at may bago siyang proyekto na isang series sa Viva, na mapapanood sa Streaming ng Viva One, ang The Beginning of a Golden Journey kung saan si Wilbert Ross ang kanyang kapareha.

Ayon sa aktres, “swak ang loveteam nila ni Wilbert at masaya siya dahil ang aktor ang napili ng Viva na ipareha sa kanya.

Maganda ang feedback ng mga nakapanood na ng TBOAGJ.

Ani ng mga nakapanood ng series: “kaka tapos ko lang panoorin yong Golden Scenery .. and mas gusto ko to kesa sa mga nagdaang projects ng vivaone this year. Masaya, masarap sa pakiramdam, ang cute, at sarap makita yong friendship nilang lahat . Hindi cringe yong mga sweet scenes at may puso tong project nato. Good job sa project nato viva Ang ganda ng pilot episode Na hook ako agad.”

“see viva? kung maganda talaga talaga yong execution ng project makikita at makikita niyo talaga sa comment section na niyakap ng masa yong series, hindi na kailangan bitbitin ang sarili niyong bangko. KEEP IT UP and Congratulations!”

“Omg… super ganda, na gusto ko Saturday na sana ulit to watch GSOT… The cinematography and natural acting… Deserved nyo tlga yung hype, you really give justice sa book… Congratulations WilBea, Direk and to all the actors and staff behind GSOT, pati kay author Gwy”

“Grabe! They truly came out from the book, episode 1 was even better than my imagination reading the GSOT book back then. Grabeeeee!!! Kudos”

“The chemistry is superb!Bagaay..First episode pa lng”

“Done watching super gandaaaaa ng pilot episode congratulations na agad lods Wilbert Ross and Ms Bea

Stream legally sana ang lahat”

“Worth the wait. Ito yun talaga viva pag nakikinig kayo sa manonood grabi support ng mga tao”

“grabe prologue palang huhuhu pinaiyak na agad ako grabe mas nakakaiyak pala pag sa adaptation na huhi,grabe sobrang gandaaa nung episode 1 huhuhu this is how imagine in the book, ang galing ni bea& wilbert literal na kuhang kuha talaga nila yung nasa book eh looking forward for them huhu sana episode 2 na agad ang gandaaa sobra.”