Advertisers
Ni Anne Venancio
Muling nagpakita ng husay sa international scene ang aktres na si Lovi Poe sa kanyang bagong pelikulang suspense thriller na ‘My Sister’s Bones,’ na kinunan at iprinodyus sa United Kingdom.
Post ng aktres sa kanyang Instagram noong Enero 29, 3 taon din itong pinaghirapan bago maipalabas.
Sa pelikula, ginampanan ni Lovi ang karakter na si Frida, isang kapitbahay na may malaking papel sa kwento. Nakatrabaho niya rito ang mga kilalang international actors na sina Jenny Seagrove, Anna Friel, Ben Miles, at Olga Kurylenko.
Nagpasalamat ang aktres sa direktor na si Heidi Greensmith sa tiwalang ibinigay sa kanya at itinuring na karangalan ang mapasama sa isa sa huling pelikulang naprodyus ni Bill Kenwright.
Inilabas ang My Sister’s Bones sa digital streaming platforms noong Enero 30. Matatandaan na noong 2025, tampok din si Lovi sa Hollywood film na Bad Man, na sinuportahan ng kanyang sariling production company, C’est Lovi Productions.