Advertisers
Ni Anne Venancio
Kinumpirma mismo ng French-Filipina golfer na si Emilienne Vigier na tatlong taon na silang magkarelasyon ng aktor na si Joshua Garcia sa panayam kay DJ Chacha.
Ayon kay Emilienne, pinipili nilang panatilihing pribado ang kanilang relasyon para sa katahimikan at katatagan nito dahil nakaiiwas sila sa intriga at opinyon ng iba.
Inilarawan din ni Emilienne si Joshua bilang mapagmahal, responsable, at laging nagbibigay ng suporta sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Para sa aktres, natagpuan niya sa aktor hindi lamang ang isang kasintahan kundi pati na rin ang matalik na kaibigan na maaasahan sa anumang sitwasyon.