Advertisers

Advertisers

3 miembro ng KFR timbog sa Quezon City

0 21

Advertisers

Naaresto ang tatlong miyembro ng Kidnap for Ransom Group (KFR) at ligtas na nasagip ang biktima ng mga elemento ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group ) sa isinagawang operation sa Quezon City nitong Martes ng umaga.
Kinilala ang tatlong nadakip na sina Alvin Grualdo Bandong, Tristan Primevera Menor at Mark Dione Ayles. Samantala, patuloy naman ang pagtugis sa nakakalayang mastermind.
Samantala, ligtas na nasagip ng mga otoridad na isang businessman na Filipino ng Madaluyong City.
Ayon kay BGen Glicerio Cansilao, Director PNP-AkG, isinagawa ang operasyon ng mga otoridad sa Whiteplain, Quezon City.
Sa report, dinukot ang biktima nang haranging ang sinasakay nito ng mga suspek at sapilitan tinangay sa Mandaluyong City noong Feb. 12,2026.
Agad na tinawang ng mga suspek ang pamilya ng biktima na naghihingi ng P50 million ranson kapalit nang pagpapalay sa una.
Unang nagbigay ng P250,000 ang pamilya sa pamamagitan ng gcash at Paymaya habang nagsasagawa ng negosyano hanggang sa magkasundo sa P4 million at nagtakdang kung saan dadalhin ang pera.
Nang maaibot ang pera,sinundan ng mga operatiba ang sasakayn ng mga suspek hanggang sa makarating sa Whiteplains sa Quezon City kung isinagawang ang pagsalakay sa isang bahay na inumpahan ng mga suspek.
Ligtas na nasagip ang biktima habang naaresto ang tatlong suspek at pagkakabawi ng P4 million ransom money.
Nasa kustodiya ng PNP-AKG sa Camp Crame ang mga suspek habang sumasailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng kaukulang kaso laban sa mga ito.(Mark Obleada)