Advertisers
SA gitna ng mga alegasyon sa korapsyon, nagpatupad ng minor reshuffle sa intelligence division ng Bureau of Customs.
Iniutos ni BOC-Intelligence Group Deputy Commissioner Romeo Allan Rosales ang temporary assignment ni Customs Intelligence and Investigation Office – Intelligence Officer III Paul Oliver Pacunayen patungo sa IG-Office ng Deputy Commissioner.
Ito ay habang nakabinbin ang imbestigasyon ng BOC sa alegasyon ng korapsyon laban kay Pacunayen.
Si Pacunayen ay nauna nang inireklamo dahil sa pagkakasangkot umano sa smuggling activities sa Port of Manila.
Ayon kay Rosales, habang umiiral ang kautusan, hindi pwedeng masangkot sa si Pacunayen sa anumang operational activities na labas sa kaniyang temporary assignment.
Samantala, si Atty. Allen Dela Cruz na hepe ng Intelligence Division ng CIIS-IG ay pansamantalang itinalaga bilang Office Caretaker ng POM-Field Station ng CIIS.
Inatasan si Dela Cruz na pangasiwaan ang day-to-day operations ng POM, CIIS-IG.
Si Pacunayen ay kasama sa nabanggit sa liham na ipinadala kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga concerned officials, employees, at stakeholders ng BOC kung saan inirereklamo ang pagbabalik ng talamak na smuggling sa pantala.
Nabanggit din sa nasabing liham si CIIS Director Thomas Narcise.