Advertisers

Advertisers

NATURAL NA MAGKAKAMPI

0 98

Advertisers

MABILIS ang sagot ni BBM sa hindi na bagong pahayag ni Misfit Sara na tatakbo ang huli sa halalang pampanguluhan sa 2028. Mabilis na itinakda ang pagkikita ni BBM at Leni Robredo, ang alkalde ng Naga City na kumakatawan sa malaking paksyon ng demokratikong oposisyon ng bansa. Magkikita sila ngayon (Sabado) sa Naga City upang pag-usapan umano ang matinding suliranin sa baha doon.

Totoong pag-uusapan nila ang problema ng baha sa Naga City at karatig bayan, ngunit may kalakip na matinding kahulugan ang pagkikita ng dalawang pulitikong na nagharap sa halalan ng 2022. Kung marunong lang makiramdam si Misfit Sara, naiintindihan niya na may alas na baraha si BBM kung sakaling tatakbo siyang kandidato sa 2028.

Hindi diretsong pinatunayan ni BBM ang kanyang kalatas kay Misfit Sara, ngunit may mahalaga niyang ipinaramdam sa China at ang apat na pangunahing nagpopondo sa mga kandidato sa panguluhan – pamilya ni Henry Sy (Henry Sy Jr., Tessie Sy-Coson, atbp.), Ramon Ang, Ricky Razon, at mag-asawang Villar (Manny At Cynthia).

Ipinaramdam niya sa Beijing at mga pangunahing negosyante sa bansa na hindi niya kandidato at susuportahan si Misfit Sara at mas nanaisin niya na makipag-alyansa sa dating kalaban ng pulitika imbes na kay Misfit Sara at pamilya Duterte ng Davao City at iba pang kakampi. Wala pang kandidato si BBM kontra kay Misfit Sara kaya maraming hula at haka-haka, ngunit nararamdaman ni BBM na may huling baraha na alas siya sa 2028.

Marami ang kumontra sa kandidatura ni BBM at Misfit Sara sa ilalim ng Unity team dahil sa paniwalang pagpapatuloy ito ng palpak na liderato ni Gongdi. Libo-libo ang ipinapatay ni Gongdi sa ilalim ng kanyang madugo at palpak na war on drugs. Kumampi sa China si Gongdi kahit hindi bumuhos ang pangakong milyon-milyong dolyares sa kanyang programang Build, Build, Build. Bukod diyan dinambong ni Gongdi ang kaban ng bayan.

Hindi sinundan ni BBM ang iniwang liderato ni Gongdi. Kumampi ang kanyang gobyerno sa Estados Unidos at tuluyang itinatwa ang China. Hindi sinundan ang war on drugs ni Gongdi na ang pangunahing layunin ay puksain at patayin ang mga pinaghihinalaang adik at tulak sa bawal na gamot. Ibinisto ni BBM ang mga kakampi ni Gongdi at Misfit Sara na dumambong ng bilyong piso sa mga floor control program sa bansa.

Sa takbo ng mga pangyayari, mas magkakampi si BBM at Leni. Ito ang senyales ng kanilang pagkikita sa Naga City. Mula sa simpleng pagkikita at pag-uusap, marami ang maaaring mangyari. Hindi namin alam kung naiintindihan ito ni Misfit Sara. Pero batid namin na maiintindihan ng China at mga pangunahing mangangalakal ang kahulugan ng pagkikitang iyon. Si BBM pa rin ang mayroong alas na baraha sa pulitika ng bansa.

***

ESTADISTA SI TRILLANES. May netizen na nagtanong sa amin kung ano ang dapat gawin ni Sonny Trillanes upang manalo sa susunod na halalan. May matinding panghihinayang ang aming kaibigan na netizen dahil mahusay na pulitiko si Trillanes. Nakikita niya na may tapat na hangarin si Sonny upang tumino ang bansa.

Diretso ang aming paliwanag. Hindi namin nakikita si Trillanes bilang bahagi ng tinawag namin na “conventional politics” na ang pangunahing hangarin ng isang pulitiko ay manalo sa susunod na halalan. Naging estadista na si Sonny Trillanes na ang pangunahing layunin ay magtanim ng mga bagong halagahin (values) sa bansa.

Ito ay ang mga kahalagahan ng katapatan, integridad, kalinisan ng hangarin at paglilingkod, at pagmamahal sa bayan. Hindi niya kailangan ang anumang puwesto sa gobyerno upang patunayan niya ang kanyang mga nais. Sapat na ang paglalapat ng “pressure politics” upang mapakilos ang sambayanan.

Si Sonny Trillanes ang estadista sa lahat ng panahon at pagkakataon.

***

MARAPAT lang pagtawanan at kabobohan at katangahan ni Bam Aquino na idaan sa lokal na hukuman ang isyu laban kay Gongdi at mga kasapakat sa madugo pero palpak na giyera kontra droga. Naunang natawa si Kristine Conti, ang tumatayong manananggol ng mga biktima ng EJKs sa ICC. May katwiran na pagtawanan si Bam.

Mag-uumpisa na ang paglilitis sa ICC ngunit may hindi kailangan na pasaring pa siya na dapat ang hukuman ng Filipinas ang humawak ng sakdal laban kay Gongdi. Kagaguhan ito. Kakitiran ng pag-iisip. Nagulat kami dahil galing ito sa isang Aquino na hindi ganap na naunawaan ang isyu. Ngayon, tahimik lang siya dahil nasupalpal siya ng opinyon publiko.