Advertisers

Advertisers

TERROR-GROOMING SIGE PA RIN

0 56

Advertisers

TERROR-GROOMING o’ terrorist-grooming ng mga ‘komunistang-terorista’ sa bansa ay patuloy pa rin bumibiktima lalo na sa ating mga kabataan, partikular na yaong mga nasa kolehiyo at mga unibersidad.

Sa ulat nga ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Ernesto C. Torres Jr., sinasabing nagmumula ito sa loob ng mga paaralan. Manghihikayat na sumama sa aktibismo, maging militante dahil ang pamahalaan ay mali.

Ayo kay Torres, ang panghihikayat, na kalaunan ay hahantong sa pagiging miyembro ng New People’s Army ng mga kabataang Filipino, ay kadalasang nagtatapos sa kamatayan.

Kamatayan na galing sa pakikisama sa mga nakilala sa kanilang mga unibersidad, mga kapwa mag-aaral na hawak na pala at miyembro na ng mga komusnistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Inihalimbawa ni Torres ang talumpati ni Julieta de Lima sa League of Filipino Students noong magdaos ito ng 21st National Congress.

Di nga raw isyu ang ‘activism’, o’ mga debate, at kahit na ang pagpuna sa mga gawain ng pamahalaan. Ang isyu ay ang panghihikayat, pangrerecruit ng CPP-NPA-NDF sa ating mga kabataan. Ang kanilang pamamaraan, para mapasapi sa kanilang ‘walang kakwenta-kwentang’ samahan.

“What concerns us is the open call to intensify recruitment and strengthen structures aligned with a movement that has long pursued armed struggle against the democratic State.”

Yan daw ang kanilang worry. Eh kahit naman sinong magulang na nasa mga unibersidad ang anak yan din ang agam-agam. Na baka isang araw, ang kanilang mga anak, na nakikilahok sa mga rally bilang aktibista ay walang kaabog-abog ay NPA na pala.

Mas masaklap, gaya ng mga naibahagi na ng mga magulang, kapag naging NPA na ang kanilang anak, mawawala itong bigla o’ namundok na pala, tapos mababalitaan mo na lamang, na napaslang sa isang enkwentro.

Gusto niyo bang maging karanasan din ang ganyan? Siyempre hindi. Kaya pinaka-mabuti, bantayan ang mga kinikilos ng ating mga anak na nasa kolehiyo o’ mga unibersidad. Diyan gumagalaw ang terror-grooming ng NPA.