Advertisers

Advertisers

Gadon: Bumoto galing sa konsensiya huwag magpadala sa pananakot ni Sara

0 59

Advertisers

Hinikayat ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon nitong Linggo ang mga Kongresista na bumoto ayon sa kanilang konsensiya sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Pinaalalahanan din ni Gadon ang mga mambabatas na huwag pansinin ang pananakot ni Duterte na sila ay mananagot kapag siya ang nahalal na pangulo sa 2028.

“Ang isa rin dahilan kung bakit nagdeklara agad ng kanyang intensiyon sa pagtakbo bilang pangulo sa 2028 itong si VP Sara, ay upang magsilbing babala o’ warning doon sa mga congressman na maaaring pumirma ng kanyang impeachment. At parang sinasabi niya na lagot kayo kapag ako ang naging presidente,” ani Gadon sa kanyang video message.

Dagdag pa ng Palace official ito rin daw ang ikinakalat ng kampo ng Bise Presidente.

“Yan din ang sinasabi ng kanyang kampo o’ mga kaibigan, na sinasabi pag nanalo si Inday tapusin mo silang lahat,” ang sabi ni Gadon.

“Bakit ganun ano? Para bang ang politika ay dahil sa paghihiganti at ang pagsisilbi sa bayan ay balewala, kung di ang gusto ay makaganti. Tapusin mo silang lahat ubusin mo. Parang ganyan ang sinasabi,” dagdag pa niya.

Ang sabi ni Gadon, noong 2025 elections, kahit naman nangampanya si VP Duterte laban sa mga Kongresistang nagiimbestiga sa kanyang impeachment, wala rin nangyari at nagsipanalo pang muli ang mga mambabatas dahil wala namang “endorsement power” si VP Sara.

“Kaya ako payo ko sa mga congressman, na alam ko naman di nila iniintindi yan, ay alalahanin niyo na noong 2025 elections, itong si VP Sara ay nangampanya against doon sa mga congressman na mga nag-iimbestiga at mga kasapi ng QuadComm. At talagang siya (Sara) ay nangampanya na huwag iboto ang nga ito. Pero ano nangyari? Nanalo pa rin. Kagaya na lang ni Congressman Joel Chua. Etong si Congressman Benny Abante na mga members ng QuadComm. Eh di ba panalo pa rin,” ang punto ni Gadon.

“Ang ibig kong sabihin, walang bisa o’ walang saysay iyan mga pananakot ni Sara at walang bisa ang kanyang mga indorso na huwag iboto. Walang kwenta. Kasi wala naman siyang endorsement power. Walang mga saysay ang kanyang sinasabi. Yung kanyang mga paninira at kanyang mga babala na huwag iboto si ganya, balewala yon, balewala. Kaya hindi naman yun importante,” paliwanag pa niya.

“Kaya dapat itong mga congessman na ito, bumoto sila diyan sa impeachment ng nasa loob nila. Depende sa konsensiya nila at sa kanilang panuntunan kung ano ang tama o’ mali. Huwag titingnan kung anuman ang pananakot ni Sara na tatapusin sila, o’ kaya’y uubusin sila. Walang kwenta iyon,” pagdidiin pa ng Palace official.