Hiling na additional classroom noon pang 1999 nagkaroon ng linaw sa pangako ni PBBM!
Advertisers
Ni Cesar Barquilla
Nagkaroon ng malaking Pagasa ang mga magulang, estudyante at maging ang mga guro sa Mababang Paaralan ng Maluac sa Lalawigan ng Tarlac sa naging pangako ng mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr. na bibigyan ng prayoridad ang pagpapalakas ng edukasyon sa bansa.
Ang Maluac Elementary School ay matatagpuan sa North District, Municipality of Moncada Tarlac, at naitayo taong 1982 sa pamamagitan ng Pangulong Ferdinand Marcos Sr. matapos nitong patutukan ang paggawa sa nasabing paaralan na may tatlong silid aralan na kung tawagin ay Marcos School Type.
Isa ang Mababang Paaralan ng Maluac ang masasabing pinaka matandang eskuwelahan sa lalawigan kung kaya’t hindi mapigilan ang pagdami ng mga magaaral dito, taong 1985 ay lumiham sa nuoy DECS pa ng karagdagang classrooms subalit nagkaroon ng People’s Power Edsa Revolution taong 1986 kaya’t nabinbin ang kahilingan na dagdag silid aralan.
Nagbago ang pamamahala ng bansa at hindi tumigil sa pagliham ang papalit palit na namumuno sa Maluac elem school sa tanggapan ng DECS hanggang sa maging DepEd subalit hanggang sa ngayon ay suntok sa buwan ang kahilingan.
May hawak ang Police Files Tonite ng mga dokumento na nagsasasabing hindi tumitigil ang pamunuan ng nasabing paaralan sa pagrequest ng additional classroom dahil sa ngayon ay umaabot na sa 300 ang estudyante mula grade 1 hanggang grade 6 kung kaya’t napipilitan ang mga guro na ipagamit ang room na huwag naman sana na gumuho partikular ang kisame.
Bukod sa Maluac Elementary School ay nangangarap din ang bayan ng Paniqui sa mabigyan din ng pansin ang kanilang mga silid aralan dahil buhay ng mga estudyante at mga guro ang nakataya sakaling huwag naman sanang gumuho.
Ayon kay Paniqui Municipal Mayor Kat Roxas labis itong natuwa sa naging pahayag ng Pangulong BBM na bigyang prayoridad ang edukasyon at inatasan nito si DepEd Secretary Sonny Angara na madaliin ang paggawa ng mga karagdagang school buildings sa buong bansa, kung kaya’t malaki ang kanilang pagasa na magkakaroon ng katuparan ang matagal ng hiling ang pagsasaayos at karagdagang school building tulad ng 2 storey 6 classroom ng Salomage Elem School 2 and 3 bukod pa ang Balaong National High School na nangangailangan din ng karagdagang silid aralan dahil sa paglobo ng mga estudyante.