Advertisers
BABALANDRA sa mukha ni Sara Duterte ang maaga niyang deklarasyon na tatakbo siya sa panguluhan sa halalan sa 2028. Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa lingguhang Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City, sinabi ni Kin. Benny Abante ng Maynila na wala siyang nakiktang kabutihan sa maagang deklarasyon ni Sara.
“It might be a blessing in disguise dun sa lalaban sa kanya. At pangalawa, nag-announce siya ng maaga. That would put her in a place in which mae-expose lalo siya. Maraming katanungan ang tatanungin sa kanya, particularly ang impeachment complaint,” ani Abante, hepe ng House Committee on Human Rights.
“Kaya kinakailangan ang aking request lang sa ating Vice President, kung talagang wala siyang itinatago, kung talagang ‘yung kanyang ginawa ay aboveboard ‘yan, eh sabihin niya na,” ani Abante. “Maging transparent na siya, maging accountable na siya, magkaroon na siya ng integrity nang malaman ng taong bayan na magandang maging Pangulo ito.”
Si Abante rin ang kasalukuyang hepe ng makapangyarihang Quadrilateral Committe sa ilalim ng kasalukuyang Kongreso. Binubuo ng apat na komite ang QuadCom na nakilala sa imbestigasyon sa ilang pangunahing usapin sa ialawang bahagi ng 2024.
Si Abante ang nagendorso ng pang-apat na impeachment complaint laban kay Sara Duterte. Nakatakdang umpisahan ng House committee on justice na pinangungunahan ni Kin. Jinky Luistro ng Batangas ang apat na impeachment complaint laban kay Sara.
Bagaman nangunguna si Sara sa mga survey, hindi nangangahulugan na mananalo siya sa 2028, ani Abante. May natitira pang dalawang taon sa termino niya bilang pangalawang pangulo at marami ang maaaring mangyari upang mawala ang kanyang kalamangan sa mga hindi pa nagpapakilalang kalaban, aniya.
“Kung ngayon ang eleksyon, oo, maaaring winnable siya. Pero 2028 pa ‘yan. Mahigit dalawang taon pa. Marami pang mangyayari,” aniya. Sinabi ni Abante ang mga pagbabago sa pamamahala sa gobyerno at maaaring magsilbi ito sukatan kung paaano tatakbo ang susunod na halalan.
“Naniniwala po ako na sa problema ng ating bayan ngayon, when the President exposed the corruption, naging transparent tayo sa mga bagay na ito. Palagay ko may mga pagbabago na mangyayari sa 2028,” aniya. Kasama sa mga pagbabago ang pinag-uusapang panukalang batas na nagbabawal sa mga dinastiya pulitikal sa bansa.
“Do we still want a president na kung lahat ng mga kamag-anak ay nasa politics? Or do we still want a president na kahit may kamag-anak siya pero nakikita natin na talagang siya ang concern niya, ang passion niya, ang compassion niya para sa bayan? ‘Yun ang nais makita, palagay ko, ng taong bayan natin,” ani Abante.
Samantala, tinawag ni dating Kin. Joey Salceda ng Albay ang kandidatura ni Sara bilang isang hindi “nagabayang sugal” na nag-iwan na masamang lasa sa bibig. Sinabi ni Salceda na mukhang nagabayan ng masamang political instinct ang maagang deklarasyon.
“Hanggang June 2028 si Marcos pa rin ang Presidente. I once worked with her (Duterte), pero this time around, I think it is hindi OA (overacting) magsabi na it is an ill-advised move. I think it is a misguided gamble,” ani Salceda, dating hepe ng House Committees on Ways and Means at Appropriations sa forum sa Dapo.
“In 2022, I was promoting Sara for presidency. You can go back to your files,” ani Salcaeda, daiting mambabatas at gobernador ng Albay.
“I think I would have wanted that there should be a clamor for her. Let the people proclaim you,” ani Salceda.
***
Email:bootsfra@gmail.com