Advertisers
ITINANGGI ng Palasyo ang mga report ng umano’y insidente ng road harassment na sangkot ang “presidential son” sa North Luzon Expressway nitong Sabado, Pebrero 21.
“There is no such incident involving any presidential son,” sinabi ni Presidential Communications Secretary Dave Gomez.
Ito’y nang kumalat sa social media 7:00 ng gabi ang mga report ng pagharang ng three-vehicle motorcade sa sasakyan lulan ang presidential son.
Ayon sa report, nasa 15 lalaki mula sa mga sasakyan na rehistrado sa isang munisipalidad sa Bulacan ang bumaba at kinompronta ang convoy.
Nangyari umano ang harassment matapos mag-overtake ang sasakyan ng presidential son sa Bulacan-registered vehicles na umookupa sa lahat ng tatlong lane ng expressway.
Wala pang kumpirmasyon ang mga awtoridad kaugnay dito ngunit nanindigan ang Palasyo na walang ganitong insidente.