Advertisers

Advertisers

Pulis nag-motor ng walang helmet, lagot!

0 15

Advertisers

NAISPATAN ang isang pulis na walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa probinsya ng Rizal.
Sa isang Facebook post ng Rizal Police Provincial Office nitong Sabado, Pebrero 21, sinabi nilang inatasan na ng provincial director ang mga kinauukulan upang tukuyin ang pagkakilanlan ng naturang pulis at alamin ang kabuuang detalye at konteksto ng insidente.
“Hindi katanggap-tanggap ang anumang paglabag sa batas, lalo na kung ito ay nagmumula sa hanay ng kapulisan,” saad ni Police Colenel Eleazar R. Barber, Jr., ang provincial director ng nasabing himpilan.
Dagdag pa niya: “Inatasan ko na ang masusing imbestigasyon upang mabatid ang katotohanan. Kung mapatutunayang may pagkukulang, agad itong aaksyunan.”
Sakaling mapatunayang lumabag ang kanilang kabaro, hindi sila mag-aatubiling patawan ito ng administrative sanctions alinsunod sa umiiral na alituntunin.
Sa huli, hinikayat ng himpilan ang publiko na pa-tuloy na makipag-ugnayan sa kanila upang isumbong ang mga insidenteng may kinalaman sa maling asal ng mga pulis.