Advertisers
Ni Beth Gelena
Sa teaser ng Batang Quiapo ay namamaalam nang tuluyan ang lead actor/director na si Coco Martin.
Sa bibig niya mismo nanggaling na malapit nang magwakas ang kanilang number one aksyon serye na BQ: Ang Huling Yugto.
Umabot na tatlong taon ang nasabing serye ni Coco Martin.
Hanggang March na lang ang nasabing programa, pero huwag mag-alala ang supporters ng BQ dahil may kasunod agad na teleserye ang aktor kung saan ang makakapareha niya ay ang kanyang longtime life partner na si Julia Montes.
Anyway, mixed emotions ang aktor at direktor na sa pagtatapos ng kaniyang top-rating series na FPJ’s Batang Quiapo.
Aniya: “Hindi ko alam kung masaya ako o malulungkot ako.”
“Para bang meron kang isang karelasyon o may inalagaan kang bata, may isa kang mahal sa buhay tapos after that maghihiwalay na kayo. Yun ang nararamdaman ko ngayon.”
Sey ng isang commenter: “Sabi ni Papa ibibinta daw niya TV namin pagkatapos ng #BatangQuiapo kasi wala na daw kami panonoorin. Buti my magandang anunsyo si #CocoMartin nalinawagan kami.”
“Madami pang pelikula si FPJ na pwede mong gayahin”
May sobrang galit naman sa karakter ni John Estrada at Jake Cuenca na ganito ang komento, “Bago magtapos ang request ko lang pahirapan mo ng todo si Rigor at si Miguelito”
“kung para sa akin hndi mhwakad ang batang quiapo kc nspapanahon din nman patungkol sa mga lider na mga korap”
Kung may malulungkot na fans ng Batang Quiapo, may mga natutuwa rin dahil magbabalik agad si Coco sa bagong teleserye nila ni Julia ang Sigabo na ayon kay MJ Felipe ng ABS Entertainment news ay magpi-premiere na ito sa darating na March 16.
Wika ng isang follower: “Kung buhay lang ang nanay ko, malulungkot yun na matatapos na ang BQ. Pero for sure papanoorin pa din niya ang Sigabo kung nandito pa siya. Love kasi niya si Coco.
“Nalungkot ako nong inannouced ni Coco ang
Pagtatapos ng BQ! Kasi i’ve
Watching it since day 1,
Parte na sya ng daily life ko! Pero nabuhay ang katawang lupa ko na may palabas na bago at kasama pa si Julia! So happy and thankful! take care Tanggol( Coco Martin and all casts of BQ)! Will be watching your new serye soon”
Ang makakatapat daw ng bagong teleserye nina Coco at Julia ay ang Encantadia ng GMA 7 at Totoy Bato ng TV 5.
Dahil sa tsikang ito todo suporta ang supporters ng ABS-CBN.
“ABS CBN walang iwanan 4ever and ever kapamilya ako.”
“Coco the one king of teleserye sana ang mga barkada mo sa quapo masali din sa segabo.”
“sigabo, dis time action role c Julia montes dto . C coco nmn ang medyo comedy dto ng kaunti ksma din cguro Nia as tropa ang mga group nl basillio bka my madagdag n comedy actor pg Hindi c long Mejia bka c bayani Agbayani”
“Wala pa rin tatalo sa mga galawan at eksena ni CCM”
“Gabo cguro pangalan ni Coco Martin dito sa new teleserye niyang sigabo. good luck and congrats cocojul.nagsama ulit kayo.”
“nalungkot nko sa announcement kc mami miss ko every night habbit watchiing Coco, but the next , another with his wife Julia , happy again”
“Tv 5 Ako pro pag c coco lipat muna”
“Sigabo hindi pa nag sisimula marami ng nag aabang”
Anyway, goodluck CocoJuls!!!. Tiyak ibang putahe naman ang Sigabo ni Coco para sa kanyang mga supporters.
***
Open si Aiko Melendez na ang susuportahan niya sa 2028 President ay si VP Sara Duterte.
Aniya sa kanyang Facebook account, “Inday Sara Duterte for President 2028”
“Alam ko babanatan na naman ako dahil simula’t sapul, malinaw na kung saan ako nakatayo. Maka-Duterte po ako. At hindi ko ito ikinahihiya”
Komento tuloy ng netizen sa aktres-politiko, “Ms. Aiko pano mo po na manage eh c Mr. Ogie Diaz eh piklawan/dilawan e manager nyo po siya, curious lang”
Sinagot ni Aiko ang nagtanong: “Manager ko po siya pero nirerespeto namin ang bawat opinion at paniniwala. Labas sa personal namen samahan ang aking pananaw”
Komento ng netizens: ”
Di ko alam na wala din palang brain yang si Aiko, ganda lang pala ang meron siya!”
“Aspiring to a higher position. I will assess each candidate’s credentials. And definitely use my head and heart to vote.”
“Ay sorry Aiko. I lost my interest in you”
“Dapat lng ksi each one of us has a freedom of speech.”
“Nice one Aiko.. Duterte all the way kami lalo na mga OFW AT PAMILYA NAMIN DYAN SA PILIPINAS”
“isa pang BOBA itong si Melendez , wala kang maasahan dyan , kilala ko ang angkan niyan”
“here’s the thing. We are living in a democratic country no one should force anyone to vote for someone he don’t like to vote.
I will vote for Sara and if u want to vote for whoever i don’t care.”
“Respect is d key whoever we want to lead us.”
Oo nga naman wag nating husgahan kung sino ang iboboto ng mga tao sa darating na 2028 eleksiyon. Pero sana wag nang iupo ang mga mambabatas na may Alemanyang ginawa lalo na doon sa mga nakasama sa flood control.