Advertisers

Advertisers

ELLEN PINURI SI JOHN LLOYD SA PAGIGING MABUTING AMA KAY ELIAS

0 42

Advertisers

Ni Beth Gelena
May nilinaw si Ellen Adarna hinggil sa sustento ni John Lloyd Cruz para sa anak nilabg si Elias Modesto.
Ayon sa aktres, habang sa Cebu sila naninirahan, halos sinasagot ng kanyang kompanya ang lahat ng pangangailangan lalo pa’t ang pangunahin niyang gastusin ay ang groceries.
Noong una ay P10,000 lamang ang hiniling niya batay sa mga pangunahing pangangailangan ni Elias, ngunit iginiit ito ni John Lloyd at piniling doblehin ang halaga.
Ayon kay Ellen, sa tingin niya ay patas ang P10,000 dahil gusto niyang hatiin ang responsibilidad sa pananalapi at hindi pa nag-aaral si Elias noong panahong iyon.
Kaya inilarawan niya si John Lloyd bilang isang “napakahusay na tagapagbigay ng serbisyo” at maganda ang kanilang co-parenting setup.
Nilinaw ni Ellen na una ay P10,000 lang ang hinihingi niya kay JLC bilang sustento para sa anak nilang si Elias na nang lumaon ay naging P20K na.
Sa isang Instagram Q&A, ay may nagtaob kung bakit P20K lang sinusustento ng aktor.
Paliwanag niya, “Dahil bata pa lamang si Elias noong panahong iyon at hindi siya nag-aaral at ako naman ay nasa Cebu. Kapag nasa Cebu ako, inaasikaso ang lahat—bahay ko, mga bayarin, driver, mga yaya… lahat ng ito ay binabayaran ng kumpanya.”
Paliwanag niya sa followers na nagtataka kung bakit sinasabi niyang P20,000 lang ang hinihingi niya sa aktor.
Aniya, “ang tanging gastusin ko noong nasa Cebu ako ay ang mga grocery ko lang.
Gayunpaman, si John Lloyd ang nagpumilit na doblehin ang halaga.”
Pagbubulgar pa niya, “nung nalaman niyang lumipat kami ng bahay, kasi si Elias na anak niya ay kasama, you know what? He offered, dai. ‘Len, kung ano man ang kailangan niyo, just let me know, baka makatulong kami,’ kaya ayun, nagkukusa. Iba talaga ang taong ganyan.”
In fairness daw talaga kay JL, wala siyang masabi sa aktor. “Hindi na kailangan pagsabihan,” pagbabahagi niya.
“Nag-aalok ng kanyang tulong o kung ano pa ang maaaring kailanganin ng bata.”