Advertisers

Advertisers

Paghahabol sa mga sangkot sa flood scandal ipinauubaya na ni PBBM sa DOJ, Ombudsman

0 17

Advertisers

IPINAUUBAYA na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) at sa Office of the Ombudsman ang mga susunod na hakbang kaugnay ng imbestigasyon at pag-uusig sa mga responsable sa umano’y maanomalyang flood control projects sa bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng Pangulo na nasa kamay na ng DOJ at Ombudsman ang pagtutok sa mga kasong may kinalaman sa paglustay ng pondo ng bayan. Aniya, nararapat lamang na managot at makulong ang sinumang mapatutunayang nag-abuso sa kanilang kapangyarihan at nanamantala sa pera ng taumbayan.

Binigyang-diin niya ang paninindigang walang puwang ang katiwalian sa kanyang administrasyon.



Para sa Pangulo, mahalagang pairalin ang rule of law at tiyakin na mananaig ang hustisya laban sa mga tiwaling opisyal at kontratista.

Iginiit din ni PBBM ang pangangailangang baguhin at palakasin ang sistema sa loob ng pamahalaan.



Dapat aniyang maging mas malinaw ang mga panuntunan at mas matatag ang mga institusyon upang maiwasan ang kaparehong anomalya sa hinaharap.

Sa kasalukuyan, sinabi ng Pangulo na marami pa siyang ibang tungkulin at responsibilidad na kailangang tutukan para sa kapakanan ng bansa.



Gayunpaman, buo ang kanyang tiwala sa kakayahan ng DOJ at Ombudsman na gawin ang nararapat at panagutin ang mga nasa likod ng paglustay sa pondo ng bayan. (Gilbert Perdez)