Advertisers

Advertisers

Angel boto kay Lella kay Joaquin

0 64

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Si Angel Locsin ang isa sa staunch supporters ng stepson niyang si Joaquin Arce sa PBB.

Katunayan, proud na proud si Angel sa anak ng kanyang hubby na si Neil.

Dahil nalalapit na ang big night, tinotodo na rin niya ang suporta kay Joaquin.

Recently, sa kanyang IG story, nag repost ang aktres ng litrato nina Joaquin, Lella, Neil at Karla na magkakasama na galing sa IG ni Momshie.

Sey niya: “and fyi lang… Ganda mo dito momshie @Estrada21Karla I love lella”

Sa photo naman ni Karla may caption na:

“Not a lie they were close friends outside”

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers ang nasabing post nang mapag-usapan ng mga tsismosang kapitbahay .

Ito ang ilan sa kanilang hirit.

“Boto si Angel kay Lella para kay Joaquin.”

“Overprotective naman ni Angel kay Joaquin.”

“Sabi ni Karla, friends lang daw sina Joaquin at Lella.”

“Obvious naman na sila na ang bini-build up na loveteam.”

“Love team but may end up as lovers.”

“Nepo babies.”

“Mas may clout kasi si Darna at malaki ang fanbase.”

Samantala, naging usap-usapan naman ang latest emote ni Angel sa kanyang X social media account sa pagtatanggol kay Joaquin.

Tweet niya: “Bihira lang akong mag social media ha. Pero nagulat ako sa comments ng ilang tao dito. Ano namang

kasalanan ni Joaquin at naging asawa ko ang dad nya para ma-brand sya as nepo baby? Para namang hindi ako nag dyip o bus papuntang tapings ko dati. Kalevel ko pala si Discaya? Lol. Pero yung pera ko hindi galing sa nakaw. Yung 12k na boto ko kay Joaquin sa buong journey nya, baka dagdagan ko ma-asar ko lang yung ibang makagawa ng issue. My son could have asked me for a project, but ang hiniling nya is mag audition sa PBB. Wag bitter. Nakakapanget yan.”