Advertisers

Advertisers

Elisse Joson co-parenting na lang kay McCoy de Leon para sa anak na si Felize

0 16

Advertisers

Ni Anne Venancio



Matapos ang isang taon, inamin na ni Elisse Joson ang dahilan ng hiwalayan nila ng ama ng kanyang anak na si McCoy de Leon sa YouTube vlog ni Pia Acevedo noong Pebrero 23, 2026.

Noong Hulyo 2025, naglabas ng joint statement ang dating magkasintahan sa Instagram para kumpirmahin ang kanilang breakup matapos ang limang taon relasyon.



Ayon sa aktres, bagama’t mutual ang desisyon, hindi naging madali ang paghihiwalay. May mga pagkakataon umanong kahit anong pagsisikap ang gawin upang ayusin ang mga hindi pagkakaunawaan, hindi pa rin ito nagwo-work. Tanggap na umano niya na hindi na sila magkakabalikan at mas prayoridad na lang ang maayos na co-parenting sa kanilang anak na si Felize.

Naging wake-up call sa kanila ang obserbasyon ng eskuwelahan tungkol sa pagbabago ng ugali ng bata kaya isinantabi muna nila ang personal na sakit.