Advertisers

Advertisers

Bida-bidahan si Sara

0 16

Advertisers

NAGBIBIDA-BIDAHAN na naman ang inyong Vice President, Sara Duterte-Carpio.

Napakadali ;ang daw sa gibierno, kung tutusin, ang magpadala ng mga eroplano sa Middle East para sunduin ang mga OFWs na naipit sa giyera ng Amerika-Israel at Iran.

Noong panahon daw kasi ng “Tatay Digong” niya nang magkaroon ng pandemic sa Covid, maraming na-estranded na taga-Davao City sa Maynila. Ang ginawa nila komontrata sila ng eroplano, commercial airlines, para iuwi ang mga taga-Davao at doon na sila inilagay sa quarantine.

“Napakadali ang mag-arkila ng eroplano,” giit ni Inday Sara.

Hindi yata naisip ni Vice President na ang Manila-Davao o ang Pilipinas ay hindi Middle East, at hindi ito ng kaso ng Covid kundi giyera.

Lahat yata ng airport at airlines sa Middle East ay nag-stop operation dahil nga umuulan ng missiles sa himpapawid.

O sige, pagbigyan si Inday Sara magpadala ng eroplano sa middle east, makalapag kaya ito e walang operation ang airport?

Teka, ano kaya kung si Inday Sara mismo ang magsundo sa mga stranded OFWs sa Middle East? Payag kaya siya? Malamang hindi niya gagawib. Dahil tiyak iisipin niya na baka masapul ng missles ang eroplano niyang sasakyan. Mismo!

Nagbibida-bidahan itong si Inday Sara, palpak pa! Ang hindi talaga ng kukute. Sabi nga ng beteranong mamamahayag na si Ramon Tulfo, “sira-ulo” yang si Sara”. Hehehe…

***

Say ng mga DDS: Kung si Duterte ang presidente ngayon, hindi sana tataas ang presyo ng diesel at gasolina.

Mga TANGA talaga!

Para sa inyong kaalaman, DDS, ang TRAIN Law ng “Tatay Digong” ninyo ang nagdagdag ng excise taxes sa base prices ng diesel, gasolina at LPG kaya ganun kataas ang mga ito ngayon.

At kaya tumaas ng malaki ang langis ngayon ay dahil sa nga giyera sa middle east, sarado ang isa sa pangunahing daanan ng mga barko na nagsusuplay ng langis sa mga bansa sa Asya, kabilang ang Pilipinas.

Ang pagtaas ng langis ay hindi kontrolado ni Marcos. Buong mundo ito, mga ulol!

***

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na may nagtangka nga sa buhay ng dating “bagman” ni VP Sara na si Ramil Madriaga sa loob ng Bureau of Correction.- (BuCor).

Si Madriaga ay nakatakdang tumestigo sa impeachment aban sa pangalawang pangulo.

Naganap daw ang insidente Marso 3 nang gumitgit sa kanya ang isang kapwa detainee at tila may bubunuting bagay mula sa likuran. Kaya agad niya itong itinulak at sumigaw, dahilan para mabilis siyang masaklolohan ng jail guards.

Dahil sa insidente, hiniling ni Madriaga sa mga awtoridad na mailipat siya ng ibang piitan para sa kanyang seguridad.

Si Madriaga ay nakulong sa kasong kidnapping na gawa-gawa raw ni Atty. Harry Roque.