Advertisers

Advertisers

PAGBISITA NG AUSTRALIAN AMBASSADOR, IKINALUGOD NI REP. JOEL CHUA

0 8

Advertisers

Malugod na tinanggap ni Congressman Joel Chua (Manila, 3rd district) nang mag-courtesy visit sa kanyang tanggapan ang Ambassador of Australia to the Philippines, His Excellency, Marc Innes-Brown PSM.

Ani Rep. Chua, ito ay patunay ng patuloy na matibay na ugnayan at pagkakaibigan ng Pilipinas at Australia.

Samantala, nagpaalala si Chua sa mga residente ng Maynila, partikular sa kanyang distrito, na mag-ingat sa mga bagay at gawain na maaring makalikha ng sunog.

“Nakikiisa tayo ngayong Fire Prevention Month sa pagpapaalala na ang kaligtasan ay nagsisimula sa disiplina at pag-iingat.” aniya.

Dagdag pa ng mambabatas: “Maging alerto at sama-sama nating panatilihing ligtas ang ating tahanan at komunidad. Ingat tayo parati mga ka-distrito.”

Binanggit ni Chua na sa tuwing buwan ng Marso ay inaalala ang Fire Prevention Month dahil sa panahong ito simulang nakapagtatala ng maraming insidente ng sunog dahil na rin sa pagpasok ng tag-init. (JERRY S. TAN)