Advertisers

Advertisers

Lolo kulong sa pananaksak ng pusa ng kapitbahay

0 11

Advertisers

Arestado ang 79-anyos na lalaki nang saksakin ang pusa ng kanilang kapitbahay sa Barangay Lingunan, Valenzuela City.
Napag-alamang nag-iinuman ang may-ari ng pusa na 33-anyos, at kanyang bayaw nang marinig nila ang malakas na pag-iyak ng kanilang pusa na tila humihingi ng saklolo mula sa labas ng kanilang bahay.
Nang kanilang tingnan, nakita nilang duguan na ang pusa at may nakabaon pang patalim sa hulihang paa nito.
Sinundan nila ang mga patak ng dugo hanggang sa matukoy na nagmula ito sa bahay ng salarin.
Agad dinala sa beterinaryo ang pusa at iniulat ang insidente sa pulisya, na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa salarin na umano’y umamin sa ginawa.
Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1998 na inamiyendahan ng Republic Act No. 10631. (Beth Samson)