Advertisers
Ni Beth Gelena
Itinanggi ni Aiko Melendez ang kumakalat na tarpaulin sa umano’y magka-tandem sila ni Mike Defensor sa 2028.
Ang nasabing larawan ay makikita sa FB account ng politikong aktres.
Ani Aiko, “I would like to categorically clarify that I am not running with former Congressman Mike Defensor in 2028, and there have been no talks, meetings, or discussions between us regarding any such plan.
“I also want to make it clear that I have absolutely no hand in the tarpaulins or materials circulating online and on the streets suggesting otherwise. These were not authorized by me nor by my office.
“For the record, the only mayor I have been in constant communication with is Mayor Joy Belmonte, with whom I regularly discuss matters concerning our work and service to the people of Quezon City. I have also personally clarified this misinformation with her. The only leadership I believe in and fully support is Mayor Joy Belmonte’s stellar leadership, which continues to guide our city forward.
“I urge everyone to be responsible in sharing information and to refrain from spreading or creating materials that mislead the public.
“I remain focused on my work and on serving the people of District 5, Quezon City. — Councilor Aiko Melendez”
Makikita sa mga nagkalat na larawan na muling tatakbo bilang mayor ng Quezon City si Defensor habang si Melendez naman daw ang kanyang running mate.
Matatandaang natalo si Defensor nang tumakbong alkalde ng lunsod, sa kasalukuyang mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte.
Nilinaw ng konsehala na wala siyang kinalaman sa naturang mga materyales at hindi niya ito inaprubahan o ipinagawa.
***
Hinirang ang Brilliant Skin Essentials Inc., na pagmamay-ari ng skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, bilang 2025 Top Employer of the Year ng Munisipyo ng Morong, Rizal.
Tinanggap ni Miss Glenda ang plake ng pagkilala na pirmado ni Mayor Sidney B. Soriano noong Marso 13 sa isang seremonya na ginanap sa Comandancia Building sa Morong.
Bukod sa parangal na ito, kinilala rin ang produkto bilang Top 3 Outstanding Business Taxpayer of the Year at Top 4 Highest Real Property Taxpayer of the Year.
Samantala, ang isa pang negosyo ni Miss Glenda na Pink Ladder Construction and Development OPC ay kinilala bilang Top 14 Outstanding Business Taxpayer of the Year.
Ayon kay Miss Glenda, “Hindi po ito basta-bastang parangal para sa akin, dahil ito po ay galing sa sa Morong, ang bayan na pinagmulan ko. Ang lugar na kinalakihan ko. Ang lugar na nagbigay sa akin ng lakas ng loob, kahit noong mga panahong hindi pa ako ganoong kakilala.”
Pinaghahandaan na rin ng kumpanya ang nalalapit na na pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo nila ngayong taon, isang mahalagang yugto na ayon kay Miss Glenda ay nagpapakita sa tiyaga at pagpupursige sa pagbuo ng brand sa kabila ng mga hamon na kanyang pinagdaanan.
May mga celebrities na rin na nag-eendorso ng mg produkto ng Brilliant Skills Essentials, ilan sa mga ito ay sina Andrea Brillantes at Kyle Echarrie.