Advertisers
Ni Beth Gelena
Na-ispatan sa Lubao International Balbon and Music Festival 2026 sina Ricci Rivero at Juliana Gomez na magkasama at magkaholding hands habang nanood.
Nasa event din si Maja Salvador, besides celebrity couple, na nag-eenjoy habang nanonood ng Parokya ni Edgar.
Ang daming nagtatanong sa komento kung bakit daw si Ricci ang pinili ng anak ni Richard Gomez.
Anila: “Naalala ko tuloy yung dugyot issue nya baka nag bago na”
“LoL ang karma ni Goma”
“Pag nagkataon sa Forbes Park na titira si dugyot lol”
“Totoo naman, mapapa “why juliana”? ka talaga.”
“Wow sweet naman ni Ricci ni kiss si Juliana!”
“Sure ka na ba jan Juliana?? Pwede pa mag back out Iha.”
“Mahilig siya sa red flags. Ex niya yung Marco na ex ni Heaven”
“Kaya pala sabi ni Goma sa interview nya ke Tito boy, nung tinanong sya abt love life ni Juliana, sabi nya may umaaligid aligid daw tapos sabi nya ah yun pala yun! (Parang sa isip nya cguro sabi nya siguro yan na yung best mo Juliana?) haahhahahah”
“Questionable lagi taste niya sa mga lalaki. Dati yung Marco and now si dugyot.”
“Naalala ko reaction ng mga tao nung pinatulan ni Lucy si Goma. Bakit Lucy, Bakit.” “parang si goma nung ganyang edad”
“Nakow…biglang bumaba tingin ko dito sa anak nila Lucy. Dati tingin ko alta na sossy. Pero bakit ganun, wla na bang iba? Wla ba tong bet sa mga kaklase nya? Lol. Kaloka. Anak nlang tlaga ni Gretchen ang tingin ko na hindi tlaga showbiz at sossy tlaga.”
Uhmmm… Hindi naman kasi masisisi ang netizens dahil sa dami ng mga negative write ups about him ng maghiwalay sila ni Andrea Brillantes kung saan marami ang nagsasabing ginamit lang ng basketball player si Andrea.
Tanong pa nga ng netizens kung hindi raw ba napanood ni Juliana ang video noon ni Ricci na may kasamang girl na nahuli ni Andrea.
Well, sadyang ganyan talaga ang pag-ibig, inlababo si Julia sa isang Ricci Rivero, sinusunod niya ang tinitibok ng kanyang puso.
***
AKTOR NAKATULONG SA CAREER ANG PRIVATE VIDEO
Nasangkot din ang isang Italyano-Canadian aktor na dito namimirmihan sa bansa na nasangkot na rin sa controversial video na kumakalat online, pero hindi siya kasama sa apat na aktor na pinagpipiyestahan ng mga bading.
Inamin ni Nico Locco na siya ang lalaki sa isang leaked na pribadong video.
Isa si Nico sa mga lalaking artista na kamakailan lamang ay nasangkot sa isang kontrobersiya.
Pinag-uusapan ng mga netizens ang mga pribadong video ng mga aktor na sina Arron Villaflor, Nikko Natividad, Ron Angeles, at Gil Cuerva.
Bukod sa mga ito, lumabas din ang iba pang pangalan ng mga lalaking celebrity na umano’y may mga pribadong video na kumakalat online, at isa nga si Locco .
Hindi naman itinanggi ng Italian-Canadian actor ang isyu nang siya ay makapanayam ng Pep, bagkus namin niya ang paratang.
Aniya, “Nagulat ako sa umpisa dahil nakita ko ang isang screenshot with my face in it with a girl na similar sa mga other s*x videos going around at the moment.”
Pakli pa nito, “Kung ako ‘yan, ako ‘yan, ganoon. Aaminin ko. Hindi ako ‘yung tipo ng taong umaatras sa katotohanan.”
Katunayan, nagulat pa raw siya sa mainit na pagtanggap ng mga tao matapos mag-viral ang kontrobersyal niyang video.
Para sa kanya, blessing daw iyun dahil nakilala siya ng mga tao at nagkaroon ng offers mula sa mga producer matapos lumabas online ang kanyang pribadong video.
Akala raw niya ay magiging negatibo ito para sa kanyang personalidad at karera sa showbiz, ngunit kabaligtaran pala iyon.