Advertisers

Advertisers

MASS TRANSIT SYSTEMS, HANDA NA SA SEMANA SANTA

0 5

Advertisers

Pinatitiyak ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang kaligtasan ng mga pasahero lalo na sa inaasahang pagdagsa ng tao ngayong Semana Santa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera na mahigpit na mino-monitor ang kondisyon ng mga pasilidad tulad ng elevators, escalators, at ticketing machines.

Tiniyak din ni Cabrera na kumpleto ang mga personnel sa mga istasyon upang maserbisyuhan ang mga commuter.

Hinikayat naman ng LRT ang publiko na sumunod sa safety at security protocols upang masiguro ang maayos at ligtas na biyahe para sa lahat.

Samantala, pansamantalang ititigil ang operasyon ng LRT-2 mula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Sinabi ni Cabrera na ginagawa ito taun-taon upang magsagawa ng heavy maintenance works sa linya.

Hindi aniya maaaring isagawa ang ganitong uri ng maintenance sa regular na operasyon dahil makaaapekto ito sa biyahe ng mga pasahero.

Muling magbabalik ang operasyon ng tren pagkatapos ng Semana Santa upang masigurong ligtas at maayos ang serbisyo ng sistema. (Gilbert Perdez)