Advertisers

Advertisers

Regine Velasquez 5 yrs old lang nagsimula sumali sa singing contest

0 7

Advertisers

Ni Anne Venancio



Pinarangalan bilang “Woman of the Year” ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa ginanap na Women in Music event ng Billboard Philippines, bilang pagkilala sa kanyang mahigit apat na dekadang kontribusyon sa industriya ng musika.

Kabilang din sa mga kinilala sina KZ Tandingan, Yeng Constantino, G22, at BINI.
Emosyonal na binalikan ni Regine ang kanyang pinagmulan at ang naging papel ng musika sa pagbabago ng kanyang buhay. Ibinahagi niyang sa pamamagitan ng kanyang karera sa pagkanta ay natulungan niyang matupad ang pangarap ng kanyang ama na makapunta sa iba’t ibang bansa.



Hindi nito napigilan ang mapaluha habang nagpapasasalamat sa industriyang humubog sa kanyang karera. Aniya, malaki ang naitulong nito sa kanya kaya’t malalim ang utang na loob niya rito.

Ikinuwento rin niya na limang taong gulang pa lamang siya nang magsimulang mangarap sa larangan ng musika matapos sumali sa isang singing contest. Aniya, ang mainit na pagtanggap at palakpakan ng mga manonood ang nagsilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ang kanyang landas bilang mang-aawit.