Advertisers

Advertisers

MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS IPINAGMAMALAKI NG VIVA ONE

0 14

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Mula sa mga pahinang tumatak sa milyun-milyong readers sa buong mundo, narito na ang isang love story na may dangerous twist.

Ipinagmamalaki ng Viva One na ihatid ang inaabangang series adaptation ng My Husband Is a Mafia Boss ngayong April 11. Hango sa hit Wattpad novel ng yumaong manunulat na si Diana Marie Serrato Maranan, na mas kilala sa kanyang 1.4 million followers bilang si @yanalovesyouu, narito na ang isang action-packed romance na umani ng mahigit 223 milyong reads sa Season 1 pa lang, at mahigit 390 milyong reads sa buong series. Mula sa direksyon ni Fifth Solomon (My Sassy Girl, Sa Muli), mapapanood na sa wakas ng fans sa buong mundo ang isang kwentong puno ng kilig at thrill.

Gagampanan ni Joseph Marco ang titular role, ang bilyonaryong si Ezekiel “Zeke” Roswell, isang matalinong engineer at CEO, na hindi alam ng marami ay siya ring makapangyarihang boss ng Roswell Mafia. Tahimik at isang perfectionist, nirerespeto siya ng lahat, kahit saan siya pumunta.

Si Rhen Escaño ay si Aemie Romero, isang college student na tila isang walking sunshine. Masayahin, isip-bata, at may pagka-slow, si Aemie ay hinahangaan ng lahat sa campus. Kahit may pagka-inosente at palpak si Aemie, pagdating sa pag-aaral ay seryoso at focused siya.

Sunud-sunod na mga hindi inaasahan at nakakatawang pagkakataon ang maglalapit sa landas nina Aemie at Zeke, hanggang sa isang biglaang pangyayari ang ikakagulat ng lahat: silang dalawa ay ikinasal.

Sigurado si Zeke na hindi siya mai-in-love kay Aemie, kaya’t para sa kanya, siya ang perfect na babae para sa planong siya lang ang nakakaalam. Ngunit habang tumatagal ang kanilang pagsasama, unti-unti siyang mahuhulog sa pagiging sweet at malambing ni Aemie.

Ngunit may malaking problema si Zeke: paano niya sasabihin sa kanyang asawa na isa siyang mafia boss? At kapag lumabas na ang katotohanan, mas mapapalapit ba sila sa isa’t-isa, o tuluyang masisira ang lahat?

Napanood na ng fans ang unang sulyap sa pagtatambal nina Joseph at Rhen sa inilabas na teaser ng My Husband Is a Mafia Boss noong March 8. Agad itong nag-viral at umani ng 12.6 milyong views sa lahat ng platforms sa loob lamang ng 24 oras. Pinuri ng viewers ang dalawa na perfect fit para sa kanilang roles, na para bang lumabas sila ng libro. Sobrang kinilig ang netizens kay Joseph bilang Zeke, habang marami ang nabighani sa charm ni Rhen bilang Aemie.

Makakasama nina Joseph at Rhen si Ara Mina, bilang ina ni Aemie na si Alyana, pati na rin sina Priscilla Meirelles, Frost Sandoval, Sara Joe, Kyosu Guinto, at ALAMAT members Mo Mitchell at R-Ji Lim, na may mga mahahalagang papel na lalong magpapatindi ng action at romance ng serye.
Kukumpleto sa talented cast sina Simon Ibarra, PJ Rosario, Maru Delgado, Kelley Day, Anjo Damiles, Akihiro Blanco, Jaime Yllana, Icee Ejercito, Roberta Tamondong, Dann Aquino, Aaliyah Coco, Hazel Calawod, Naz San Juan, Bianca Santos, Yuki Sonoda, Sandex Gavin, at Edsel Santiago.
Pasukin ang mundo ng mafia at damhin ang kilig at aksyon sa My Husband Is a Mafia Boss. Samahan sina Aemie at Zeke sa bawat nakakanapabik na twist ng kanilang love story. Ekslusibong panoorin ang serye sa Viva One simula ngayong April 11, na susundan ng bagong episode tuwing Sabado.
Para i-stream ang series, pumunta sa www.vivaone.ph o i-download ang app at mag-subscribe sa App Store, Google Play, o Huawei App Gallery.

Para sa the best Filipino entertainment, bisitahin ang vivaone.ph.