Advertisers
Dati ay lugmok ka, mahal kong Maynila,
Dugyot ang paligid, marumi sa dami ng yagit;
Maraming salamat, Yorme Isko, ikaw ay dumating.
O, Maynila kong mahal, bumalik ang sigla at ningning.
Winalis, nilinis mo ang duming nagdikit sa kalye,
Umilaw sa ganda, pasyalan, maayos na parke.
Nang ikaw ay dumating, o, ano’ng kaysaya namin.
Nawala ang takot, napanatag kami, pagkat dumating kang parang himala!
Gamot, ospital, ayuda, panligtas ng buhay, laging handa,
Pati hanapbuhay ‘yung binigay; mahusay na edukasyon at pabahay,
O, sana sa Maynila’y tapusin ang muling inumpisahan,
O, Yorme Isko, maraming salamat, kami’y kinalinga’t inandukha!
***
Sa tuwing pinag-uusapan ang Bureau of Customs (BOC), madalas ang lumang imahe ang bumabalot dito, na mahaba ang pila, mabigat ang proseso, at kung minsan kadudaduda ang galawan. Pero nitong Marso 2026, may isa na namang patunay na nagbabago na ang kwento: muling tinalo ng BOC ang target nito, kumalap ng P84.4 bilyon, at muling ipinakita na kaya nitong maging haligi ng pambansang pondo.
Hindi ito maliit na bagay. Hindi rin ito basta numero. Sa likod ng P1.19 bilyong sobrang koleksyon, may mga proyektong matutuloy, mga kalsadang maaayos, mga serbisyong panlipunang matutustusan.
At ang mensahe ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno isang simple nguni’t mabigat: “Ang bawat pisong nakokolekta natin, may diretsong pakinabang sa tao.” Ito ang uri ng pananaw na noon tila imposibleng marinig mula sa isang ahensyang matagal nang binabansagan ng problema.
Sa direksyong ibinaba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , at Finance Secretary Frederick D. Go, ang digitalization, transparency, at ease of doing business, kitang-kita na pinanghahawakan ito ng kasalukuyang BOC leadership. Ang resulta? Hindi lang target ang natatamaan, kundi pati ang tiwala ng publiko unti-unting nabubuo.
Dapat ding bigyang-diin, na hindi makakamit ang mga ganitong milestone kung walang disiplina at dedikasyon sa ground level, mula sa mga district collector, frontline personnel, port staff, ang mga taong hindi nakikita sa balita pero araw-araw kumikilos para masigurong dumadaloy ang kalakalan at ang kita ng bayan.
Tama si Nepomuceno nang sabihing “shared victory” ito. Dahil ang tagumpay ng BOC, tagumpay ng bawat Pilipino, lalo na sa panahong kailangan ng gobyerno ng sapat at tapat na pondo para sa mga pangunahing serbisyo.
Kung magpapatuloy ang ganitong klase ng performance at integridad, baka dumating ang araw na hindi na “problema” ang maiisip kapag narinig ang salitang Customs, kundi serbisyong maaasahan.
Sa ngayon, malinaw ang direksyon, sa ilalim ng Integrity, Accountability, and Modernization (IAM) Program, ang BOC, hindi lang tagasingil, isa na itong katuwang sa tunay na nation-building.
“Ipinapaabot ko ang aking pasasalamat sa ating mga District Collector, mga kawani ng pantalan, at lahat ng empleyado ng Bureau of Customs sa buong bansa. Ang inyong sipag, disiplina, at tapat na paglilingkod ang nagbigay-daan sa tagumpay na ito. Tagumpay itong pinaghahatian ng bawat opisyal ng Customs na patuloy na tumutupad sa ating tungkulin nang may integridad. Maraming salamat sa inyong lahat,” pahayag ni Comm. Nepomuceno.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.